Infinity 44 - Cloned

3.1K 112 12
                                        

Adreanna's POV

"Nandito na'ko..." bulong ko habang pinagmamasdan ang kabuoan ng palasyo.

May nagbago 'ata. Parang... parang dumilim ang parteng ito ng Infinitus. Anyare?

Umiling nalang ako tsaka marahang tinulak ang gate. Bakit kaya wala nang nagbabantay? Paano na ang hari at reyna?

Nang makapasok ako ay agad akong nagtungo sa main door ng palasyo. Kaso nang itutulak ko na sana ito ay nagbago ang isip ko.

Kaya imbes na sa harap dumaan ay lumipad nalang ako patungo sa huling palapag ng palasyo kung saan akalagay ang kwarto ni Dalliere.

Tama... nandito ako sa palasyo nila. Ang ipinagtataka ko lang ngayon ay kung paano siya makikilala ng mga magulang niya kung nakabalik na siya sa totoo niyang katawan... I mean kay Last.

Pero who knows, mas kilala ka ng mga magulang mo kahit na magbago man ang hitsura mo.

Nang makarating ako sa kwarto ni Dalliere ay pumasok agad ako sa loob nito. Medyo malamig kasi sa veranda... tsaka, creepy. Parang may nagmamasid. Brrrr.

Anyway, wala akong naabutan sa kwarto kaya mas mabuting antayin ko nalang siya dito. Baka may pinapagawa sa kanya.

Tsaka, ayaw kong magpakita. Sabi lang ng instinct ko na magtago muna. Feeling ko kasi... may nangyayaring kakaiba.

Bakit kaya sobrang tahimik dito? Tapos wala pang masyadong tao.. wala ding bantau sa labas. Na expected naman na dapat kasi palasyo ito. At kailangan ng kamahalan ng mga guwardiya para bantayan sila.

Eh nasa'n na sila?

Baka nakikipagigmaan sila tapos timing na nandito ka, Yana kaya walang katao-tao.

LOL. Edi dapat naiwan ang reyna dito.

Pero sabagay, baka nasa loob lang ang reyna. Hindi naman kasi ako pumasok diba?

Aish! Mamaya na nga 'yan. Matutulog muna ako habang hinihintay si Dalliere maylabs. Naubos kasi ata ang energy ko. Kapagod.

--

Naalimpungatan ako nang may tumapik sa aking mukha. Akala ko nga lang na si Zerred kaya hinawi ko ito at natulog na ulit.

Kaso naalala ko na wala pala ako sa mansyon at nandito pala ako sa palasyo nina Dalliere kaya agad akong napabangon.

"Dalliere!" sigaw ko sabay yakap kay Last. Dalliere lang ang itatawag ko sa kanya. Dun kasi sa pangalang 'yon ako nainlove.

Niyakap niya ako nang mahigpit pabalik bago siya bumuwag. Nang magkaharap naman na kami ay sumalubong sa akin ang mukha niyang nakakunot-noo.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sabay tayo at ni-lock ang pinto. Parang takot siya na may makakita sa'ken o ano.

"May kailangan kasi akong malaman. At ikaw lang ng maaasahan kong makakasagot sakin niyan." sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at tumitig saken. Kalaunan ay niyakap niya ako ulit.

"God, I missed you!" sabi niyang halos pabulong na at mahigpit na yumakap sakin. Yumakap naman ako pabalik.

"Na-miss din kita." sabi ko. Bumuntong hininga naman siya tsaka kumalas at hinarap ako sa kanya.

"Hindi ka dapat nandito, Yana." sabi niya sakin nang nakakunot-noo. Nagtaka naman ako.

"Bakit naman? Bawal na ba akong pumunta dito ngayon?" tanong ko. Umiling naman siya tsaka tumango.

"May mga nangyayari kasi ditong hindi maganda na kailangan kong ayusin." sabi niya nang seryoso.

Sabi ko na nga ba may kakaiba eh.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon