Adreanna's POV
Ngayong araw ang simula ng hunting season. Mamaya na ang egg hunting competition kaya maghahanda na muna ako. Gusto kong manalo eh.
Kakagising ko lang kaya nag-unat-unat muna ako bago tuluyang tumayo. Masakit kasi masyado sa katawan 'yung Physical training na ginawa ni Dalliere saken kahapon.
××Flashback××
"Faster!
"Deffense!"
"Do not depend on your offense!"
"No powers! Physical! Physical!
"Wrong move!"
"SLOWPOOOOKE!!"
Ouch T_T
××End of flashback××
Magaling naman daw ako sa speed, o malakas ang reflexes. Madali ko dawng nasasangga ang lahat ng mga tirang ginagawa niya. May kapangyarihan kasi daw.
Pero 'yun nga. 'Pag walang kapangyarihan, reflexes lang 'yung gagana sa'kin. Hindi naman pwedeng ilag lang ako nang ilag diba? Kasi what if, what if lang naman, ay matamaan ako nang malakas sa kahit na saang parte ng aking katawan, edi dedbol na? Hindi pa nga nagsisimula knock-out agad?
Kaya 'yun nga. Ti-nrain niya 'ko. Para daw masanay ako sa sakit at pag dumating na ang araw ng paligsahan, hindi na ako basta-basta masasaktan. Titibay ako at malaking lamang 'yun. Ang galing niya magturo eh. Minsan galit, minsan sweet. Minsan wala lang. Pero okay lang. Atleast handa na'ko para mamaya.
Tumayo na'ko para maligo. Kumuha na'ko ng tuwalya't damit pampalit. Simpleng black sando lang na fit sa katawan, kita ang curves at laki ng hinaharap (if you know what I mean), isang fitted black leggings na hanggang ankle at isang pares ng sneakers. Magandang kombinasyon tsaka komportable.
Nilagay ko sa tamang init ang tubig ng bathtub. Mahaba-habang labanan ang mangyayari mamaya kaya nilagyan ko ng spell ang scented soap. Pampatagal lang 'yun. Para kahit pawis na pawis na ay mabango parin. Hindi mangangamoy putok.
Bongga.
Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang damit. Grabe ang seksi ko! Pwede nang pang high-class model. Siguro pag dadaan ako mamaya, sa akin ulit ang atensyon. WAHAHAHA!
Pwede nang dyosa. Idagdag pa ang height, diba?
Napadako ako sa salamin. May pagbabago kasi. Hindi na nagbabago ang kulay ng mata ko. Stick lang ito sa kulay Ginto. As in! Kumikinang!
Senyales na ba 'to?
Umiling nalang ako. Tinirintas ko ang buhok ko para bumagay sa outfit. Ayoko kasi nang naka lugay. Baka humarang sa mata ko mamaya. Mahirap makakita. 'Yoko 'nun.
Plain blonde ang buhok ko ngayon kaya bagay na bagay sa outfit ko. Naka all black ba naman, tapos 'yung buhok lang ang iba ang kulay, oh diba sosyal?
Di nga?
Kinuha ko na 'yung backpack. May nakalagay kasi na importante 'dun. Nakuha ko 'to nung nahimatay ako dahil sa palpak na experiment 'dun sa VSC.
××Flashback××
"Dreann~"
Huh?
"Dreann~"
Sino ba 'yun?
Naglakad ako papunta 'dun sa pinanggagalingan ng boses.
May babaeng nakatalikod. Platinum blonde ang buhok, o silver? Ewan. Basta kulot ang ibabang parte ng buhok. Kulay ginto ang alahas na mala dyamante ang pagkinang pag nasisinagan ng araw.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasyAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...