Infinity 25 - Thoughts

4.3K 152 2
                                    

Adreanna's POV

Kanina pa 'ko bumubuntong hininga pero hindi parin nababawasan ng kahit na konti ang kaba.

Whoo.

Palakad-lakad na'ko dito sa kwarto, nag-aarange-disarrange ng mga gamit, nililibot ang kabuoan ng room, inaayusan ang sarili, ginugupit ang lahat ng pwedeng magupit, nag-na-nail cutter kahit wala namang dapat ipag-nail cutter, kumakain, iihi, matatae, kakanta, magra-rap, iisipin si Dalliere, ini-imagine ang EXO --si sehun maylabs -- sasayaw at kung anu-ano na pero wala parin talaga eh!

Kinakabahan parin ako!

Okay. Pakalma tayo. Hingang malalim. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inha--

Shutangenemers naman miss otor oh! Bakit may amoy otot?! Jusko masu-suffocate ako dito nang wala sa oras! Kung kailan ba kasi dapat ako nag-iinhale-exhale eh tsaka pa ipapasok sa scene ang otot.

Seryoso otor, may hidden galit ka saken?

Other side: Gaga ikaw lang mag-isa diyan.

Alam ko. Tapos?

Other side: Eh diba may mabahong utot?

Oo noh. Sobrang baho nga eh. Yucks!

Other side: Ah, so kung ikaw lang mag-isa, tapos may umutot, ahahaha alam na dis!

Alam na wha-- ano?! Hindi ako umutot ha! Grabe ka--

Other side: Uuuuuy defensive. Seryoso Yana, ilang taong nakaipon 'yon at sino ang nag-udyok sa'yo para ilabas na ang sama ng loob na 'yun?

Ewan ko sa'yo!

Dahil sa frustration, -- oo na f-frustrate ako!-- ay nagpunta nalang ako sa tuktok ng veranda ng Diamantopoulos Mansion.

Para mas madali, nilipad ko nalang.

Nakita ko 'to habang naglalakad-lakad sa buong bayan. Tapos napadpad ako sa may gubat kasi naaninag ko nga eto, kaya ayun. Pumasok ako. Inbayted naman kasi ako kase nagbukas agad 'yung gate. Tapos nakalagay pa 'yung middle name ko doon sa gate, which is Diamantopoulos, edi mas nabuhay ang kakapalan ng mukha ko para makapasok dito.

Opo, alam ko po 'yung whole name ko. Hindi na po ako magf-flashback sabi ni otor panget (panget kasi hindi naman ako sipsip). Hindi niyo naman din daw po kasi babasahin, so ikukwento ko nalang po.

Nung nanaginip kasi ako sa babaeng maganda, 'yung may mahaba at mala-silver na buhok? Nagpakita kasi siya saken ulit. Tapos sabi niya, kapatid ko raw siya. Syempre pinaniwalaan ko nalang. Maganda eh. Tapos hawig ko (basta maganda aangkinin talaga). Tapos ang isa pang factor na pinaniwalaan ko yung maganda na 'yun sa panaginip ko ay dahil kay Aphrodite.

Ang harot kasi ng nanay ko na yun. Napakadaming anak! Hindi ko na tuloy matukoy kung sino-sino sa kanila ang kapatid ko. Jusko!

Kaya andaming Demi-gods at goddesses sa mundo eh.

Mabalik tayo kay nanay maharot. Peace nanay Aprodite!

Nagpakita na rin kasi siya saken eh. Sabi niya dapat daw magsaya ako kasi isa ako sa madaming anak niya na hindi niya pinapunta sa langit.

Syempre rume-ak ako agad-agad doon ano! Sabi ko, "Huwaaat?! So san ako nararapat? Sa impyerno?" tanong ko. Tapos umiling lang naman siya ng napakabagal, (mga 30 seconds ata siya natapos umiling) bago niya sinabi ang, "Kasi ipapamana ko sa'yo itong Infinitus. Alagaan mo." aniya. Naka Greek language siya nun pero trinanslate ko nalang para sa inyo.

Magmamaktol pa sana ako pero umalis na agad siya. Grabe! Siguro gumagawa na naman yun ng bata kaya busy. Hmmp. Kawawa naman sila, lalaking walang magulang.

Eto naman kasing tatay ko, pa-mysterious eh. Sa susunod ako na maghahanap sa kanya.

Other side: Layo mo na sa topic.

Ay. Ano nga pala yung topic?

Other side: Yung magandang babae sa panaginip mo! Gurang!

Eh ano na ba topic ngayon?

Other side: Tatay mo -_-

Ayy oo. Hehe peace!

So ayun na nga, kilala ko na yung itsura ng kapatid ko. Ang problema lang ay kung saan ko siya makikita? Saang lupalop?

Malamang sa Earth -_-

Kaya heto ako ngayon, nakatayo sa balkonahe sa tuktok ng mansion. Tinitignan ang kabayanan at ang paaralan ng Hestizo na abalang-abala para sa koronasyon ko mamaya.

Mamaya na ang pormal na pagpasa sa akin ng Infinitus.

Tsk. Bigger responsibilities, bigger obligations. Haay.

I hope this'll work out.

***

AN: Short lang po ito. But don't worry :) I have two updates for today. You guys deserves this. Muah!

•YourSweetWhisperer•

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon