Infinity 4 - Rivals

14.7K 468 29
                                    


Adreanna'sPOV

"Umupo ka muna miss Petridis."

Ah ngayon mini-miss nila ako? Eh, kanina nga wagas makatawag ng bitch saken 'yung mga babae kanina eh.

OO. Alam ko nang ako ang pinag uusapan nila.

"I said sit miss Petridis." Tsk. Ayoko nga. Makatawag sila ng miss aakalain mong napakaganda mo! Eh ampangit ko nga eh!

"Adreanna---"

"Inuutusan niyo PO ba'ko?"

"OO. At kailangan mong umupo nang maipaliwanag namin ang lahat. Kaya Adreanna, umupo. ka. na." tss. Kahit diinan mo pa 'yang sinasabi mo, hindi mo pa rin ako mapapa-upo.

Gurang ka kasi!

"I am still young Adreanna. I'm not as old as you think! Now sit!"

O_____O

Paano niya nalaman na 'yun ang iniisip ko? Psychic ba siya? Uso pa pala yun? Lol.

"NO!" Tinigasan ko pa rin ang sinasabi ko. I don't want to stutter in front of him. Anong akala niya saken? Utusan? Duuuh kahit panget ako may dignidad ako.

Narinig ko namang bumuntong hininga siya.

A loud sigh.

As in LOUD.

"O sige. Tumayo ka na lang diyan habang nagpapaliwanag ako.

.
.
.
.
.
.
.
.

Nandito ka ngayon sa Infinitus. Lugar ng mahika. Kapangyarihan." panimula niya.

"Ha-ha-ha. Ahhh... tatawa na ba ako? Ha-ha?" Note the sarcasm. Psh!

Kami lang pala ngayon dito ni Mr. Principal gurang [kagaya ni epal -____-] Nasa klase na kasi si epal.

Akalain mo 'yun? Na-enroll na pala siya dito. LOL!

"Hindi ako nagbibiro miss Petridis. Nandito ka ngayon sa Magus Academia. Sa ibang salita, Magic academy. Teni-train namin ang mga estud----"

"AAAAAAHHHHHHH!!! You're lying!" Hindi ko na siya pinatapos kasi sumigaw na ako.

"Adreanna let m---"

Tumakbo na ako sa labas. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko na lang pinansin.

Hindi ako makapaniwala na pinapalibutan ako ng mga taong baliw! Bakit ba nila sinasabing may magic dito?! Baliw diba? Di'ba?!

Mga sinungaling!! Sinungaling talaga!

Gusto kong umiyak pero ayaw ko. Ampangit ko na nga, iiyak pa'ko. Nasaan na ang hustisya?

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon