AN:
May mga bagong stories po ako. Promise! Magaganda po ito :) Sana po suportahan ninyo :D
•Lost Days
•Chronicles: Silver Academy
•Sweetylyn
Yan po. Sana basahin niyo :) Feeling ko kasi mas maganda yang mga yan kaysa sa Infinity Goddess :p Hehe peace. Saranghae!
--Adreanna's POV
Napatingin ako sa taong kaharap ko matapos bumuwag sa halik. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.
Hindi sa classroom ang una nating pagkikita, Kenneth.
Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang kanyang kanang kamay kaya hinayaan ko lang siya. Habang hinahayaan ko siyang haplusin ang pisngi ko ay tumitig ako sa kanya nang mariin.
May napakaamo at napakagwapong mukha. Hindi mapag-iisipan na masama.
Kaya pala mukha niya ang pinili mo.
Ngayon alam ko na. Alam ko na kung sino talaga ang mahal ko. Alam ko na kung sino talaga ang tinitibok ng puso ko.
Matapos nung halik. Nalaman kong siya pala talaga ang mahal ko. Wala nang iba pa.
"Kenneth?" tawag ko sabay hawak sa kamay niyang nakahawak sa mukha ko.
"Hmm?" balik niya.
"Ah, may sasabihin sana ako." kailangan niya nang malaman.
"Ano 'yun?" tanong niya tsaka napatingin saken. Nakapikit kasi siya kanina.
"Ma--"
"THE EGG HUNTING WILL START AFTER FIVE MINUTES. PLEASE PROCEED TO THE STARTING AREA. THE EGG HUNTING WILL START AFTER FIVE MINUTES. PLEASE PROCEED TO THE STARTING AREA. THE EGG HUNTING WILL ..."
Pakshet naman oh!
Time to confess na eh. Umextra pa. Tsk. Mamaya ko nalang sasabihin.
"Lika na." aya ni Kenneth sabay hila saken patayo. Tumayo naman na rin ako. Baka mas una pang mangulubot 'yung pwet ko kaysa sa mukha ko nito kakaupo. Kalerki. XD
Fast Forward
"Ah... hehe. Wag niyo na'kong samahan, Noob, Boob." sabi ko.
Ang cu-cute ng pangalan.
Sino kayang nanay nila? Si Susu Roses? Eh ang tatay nila? Si Dota 2?
Lol waley xD
Okay, back to the topic. Nakakailang kasing may nakakapit sa'yong mga maliliit na nilalang. Tapos haggang tuhod lang at may mahaba at patulis na mga tenga. May mga kulubot pero maaamong mukha. Ang cu-cute nga nila eh. Kaso lang, nakayakap talaga sila sa tuhod ko. Hindi na nga ako makagalaw, ang bibigat pa nila. Ang hirap kaya! Hindi ako makahakbang diyosko!
"Ayaw po namin. Ikaw na po ang aming master." sabi ni Noob. Yung may kulay asul na damit tsaka brown na ... uh ... shorts? Ano ba tawag dito? Basta parang brown na maong na pinunit ang ibabang bahagi. Tapos nakayapak.
"Oo nga po. Kayo po ay malakas sapagkat kami pong dalawa ng aking kakambal ay iyong napakawalan mula sa sumpa. Maraming salamat po master. Utang po namin sa'yo ang aming kalayaan." singit naman ng napaka-cute na si Boob. Babae siya --halata naman sa pangalan xD-- na may pula at kulot na buhok. May luntiang damit at pulang palda. Nakapaa rin siya kagaya ng kanyang kakambal na si Noob.
"Opo nga po. Maraming marami pong salamat."
"Ah...ano... ah ...hehe.."
Eto na nga rin ang sinasabi ko eh. Sobra nila akong pinasasalamatan. Tapos, tinatawag pa akong master. Parang wala na nga silang pinagkaiba ni Sebastian eh. Sa kaso lang ngayon, cute itong mga Gobblins na ito at gwapong Elf si Sebastian.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasyAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...