Infinity 49 - Foe

1.9K 45 0
                                    

Adreanna's Point of View

"Sino?" kinakabahan kong tanong. Sobrang lakas na talaga ng kabog ng dibdib ko. Shit. Sanay ako sa mga ganitong sitwasyon. Dapat kanina ko pa napakalma ang dibdib ko.

Pero shit ulit, hindi eh. Lalo na nung medyo nagdalawang isip si Spade kung sasabihin niya ba saken kung sino o hindi. Mas lalo niya akong pinapakaba eh! Langyang lalaki 'to.

"Promise mo muna 'wag kang magugulat." sabi niya dahilan para samaan ko siya nang tingin.

"Gago. Sino ang hindi magugulat kung kagulat-gulat ang rebelasyon? Suntukin kita eh." sabi ko at umaktong susuntukin siya. Napatawa naman siya bigla sa sinabi ko kaya napataas ako ng kilay. Sa ginawa niyang pagtawa ay medyo hiniling ko na nagbibiro lang siya at pinaprank lang ako. Tapos magagalit lang ako at bubugbugin siya nang tuluyan tapos tatawa lang kaming dalawa sa bandang huli.

Pero hindi. Kasi sumeryoso na naman ulit siya nang mapatingin sa akin. Nandoon parin ang hesitation na sabihin sa akin kung sino ang mga kalaban. Pero ramdam ko sa mga titig niya ngayon na kailangang kailangan niya na talagang sabihin. Huhu lord, help mo po ang dyosang tulad ko!

Okay, moment of truth na. Hinawakan niya na ako sa magkabilang balikat.

"Yana... kasama sina Jeanne, Jenica at Meciza sa mga babaeng kalaban." sabi ni Spade kaya halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko halos ma-absorb sa utak ko ang sinabi niya at parang gusto ko nalang umiyak.

Sina ate Meciza, Jeanne at Jenica? Shit imposible! Mahal na mahal ko yun sila! At alam ko ring ganon sila saken. Kaya imposible ang sinasabi ni Spade, shit!

"Yana, nakita ng dalawang mata ko ang mga babaeng yun kanina na kasama sa pagsuporta sa pinuno ng paglusob. Hindi ako nagsisinungaling." sabi ni Spade nang makita niya sa mukha ko na hindi ako naniniwala sa kaniya. Pero ngayong sinabi niya na talagang nakita niya sa dalawang mata niya, at ang tingin niya saken ngayon na walang halong pagsisinungaling, ay mas lalong nadurog ang puso ko.

Shit. Mga kapatid ko na yun eh! Paano nangyari yun?!

"P-pero s-sinabi mong sa mga b-babae lang. I-ibig sabihin, may kasamahan pa silang l-laki na kilala ko?" tanong ko. Aish lord. Sana wala na po. Sana lang po pleaaaase.

"Meron nga. At Yana, you have to brace yourself after you hear this revelation. Kina Meciza nga, medyo nanghihina ka na. Lalong lalo na sa lalaking 'to." paalala ni Spade kaya wala akong nagawa kundi mapatango. Hindi parin nawawala ang kaba sa dibdib ko. Mas lumala pa nga! Tapos sumasagi pa sa isip ko ang mga alaala namin nina ate Meciza. Shit!

"Yana, kasama ni Zerred ang mga kalaban. Ang bestfriend mo." sabi ni Spade na dahilan para mapaluhod ako sa semento at napatulala. Kusa na ring lumalabas ang mga luha sa mata ko kahit hindi pa naman ako gumagalaw.

Shit! Imposibleng kasali si Zerred sa mga kalaban! Imposibleng kasali siya sa kumidnap sa mama at papa ni Dalliere! Magkapatid sila diba? Bakit niya naman kikidnapin ang sarili niyang magulang? Nahihibang na ba ang mga mahikero sa mundo at gagawin nila ang mga gano'ng bagay?! Aah shit talaga!

"Yana, kailangan na nating tanggapin ang katotohanan. Kitang-kita ko si Zerred kaninang nakikipaglaban habang naghihintay kami na dumating ka. Yana, kalaban natin ang bestfriend mo." sabi niya na dahilan para mapatigil ako sa pag-iyak at dahan-dahang napatingin sa kanya.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon