Adreanna's POV
Bromance.
Isang salitang nagsasangkot ng dalawang lalaking nagmamahalan, naghaharutan at naglalampungan.
Pero syempre hindi lahat ng lalake puro harutan lamang. May iba sa kanila na tingin pa lang, ulam na.
Eh putangina. Nakakasuka yung tingin pa lang, ulam na eh.
Tignan niyo nga 'tong si Zerred at si Last oh! Hindi maputol-putol ng gunting ang tinginan. Hay naku talaga bromance itu!
Tapos nagtataka pa talaga ako. Sabi ni Last na may pinapadalang mensahe si Dalliere maylabs sa akin kahapon, na mahal na mahal at nami-miss niya na raw ako.
Pero tae sigurado kayo? Hinalikan ako ni Last sa noo, so ibig-sabihin hinalikan din siya ni Dalliere sa noo?
Waaah nakakaloka! 'Wag niyong sabihin na bakla si Last? Sa gwapo niyang 'yon? Pabakla-bakla siya?
O baka naman si Dalliere?
Waaaah erase erase! Jusko maryosep mahihimatay ako sa pinag-iisip ko ngayon! Pa'no ko nagawang pag-isipang bakla si Dalliere maylabs? Naku talaga.
Si Last ang bakla, sure ako.
By the way, kung hindi niyo natatanong, nandito kami ngayon sa cafeteria. Kumakain.
"Oy, Yana nandito ka pala?"
Wow naman. So sa isang oras na paghihintay ko sa harapan nilang dalawa ni Last, ngayon lang niya 'ko nakita?
Galing -_-
"Hindi, boy friend. Wala ako dito. Guni-guni mo lang ako." sabi ko tapos napairap. Tae talaga.
"Ay sige, hahanapin ko nalang muna si Yana." sabi niya saken. Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Walang anu-ano'y nabatukan ko ang loko.
"Walanghiya ka! Ako 'to mokong ka! Sabihin mo nga, kailan ka pa naging bobo?" tanong ko. Napakunot ang noo niya habang nakahawak sa batok.
"Sabi mo diba, guni-guni ka lang? Pambihirang guni-guni nananapak! Parang 'yong original lang!" sabi niya nang manghang-mangha. Napasapo nalang ako sa noo ko.
Seryoso ka, Zerred?
"Ewan ko sa'yo!" sigaw ko tapos nag-walk out.
Napadpad ako sa kagubatan. Hindi naman 'yung pang-horror film na kagubatan. May falls kasi ito at masyadong maaliwalas ang paligid. Malinis ang tubig at berde ang kapaligiran.
Ang ganda.
Umupo ako sa bato at niyakap ang aking dalawang tuhod.
Dalliere.
Nasabi ni Last noong sinundan niya ako sa malaking puno na nagbalik na daw siya.
Eh bakit wala siya ngayon?
Tapos ang ipinagtataka ko pa, bakit hindi napakawalan ang seal sa mga nakatago ko pang kapangyarihan noong blue moon?
Limitado parin kasi hanggang ngayon ang kapangyarihan ko. May mga iba pa talagang hindi ko ma-cast.
Yung mas malalakas at mas makapangyarihan. Pati na rin black magic.
"Ano kaya ang kulang?" bulong ko.
"True love's kiss."
Napalingon ako sa bagong dating.
"Ano ito, fairytale? LOL." sabi ko atsaka bumalik sa pagkakayakap sa aking tuhod.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasyAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...