Warning: Maraming mga ngisi at taas ng kilay na mame-mention sa chapter na ito. Atsaka nga pala, sorry sa pag aantay. Happy New Year, mahal ko kayo!
Adreanna's POV
Pumasok na kami ni Dalliere maylabs sa principal's office. Infairness ha, nag-improve ang designs. Kung noon iba-iba lang, ngayon may motif na. Gold!
Bongga si Principal Spade eh. Nawala lang ako ng ilang araw, nag mala-Olympus na agad ang office. Ako ata inspiration niya no? Mwahahaha!
"Sakin ka lang dumikit." sabi ni Dalliere saken at mas inilapit ako sa kanya. Napangisi naman ako.
"Takot ka lang na tumabi ako kay Spade eh." sabi ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Sinong takot? Eh wala pa nga sa kalingkingan ko yun eh." sabi niya pero seryoso parin ang mukha. Inirapan ko nga.
Hindi pala takot ah.
Bumuwag ako sa kanya dahilan para magtaka siya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya tsaka nginisian. Naglakad ako papunta sa isa pang kwarto sa loob ng isang principal's office.
Sa loob nun ay ang isang nakatuwalya lang na si Spade. Nakatalikod ito at basa pa ang buhok, habang kumukuha ng damit pampalit.
Ang hot ha!
"Hey Spade." nakangiti kong tawag sa kanya kaya napatingin siya saken. Nung una nanlaki pa ang mata niya, tapos kalaunan ay ngumisi na.
Nabigla naman ako nang may humila sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi ko siyang tinignan atsaka tinaasan ng kilay.
"Akala ko ba wala pa siya sa kalingkingan mo?" tanong ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin bago sumagot.
"Wala nga. Malayong malayo yan saken no." sabi niya. Tinignan ko naman si Spade na nakangisi lang habang nakatingin sa aming dalawa ni Dalliere. Ngumisi ako pabalik sa kanya at ibinaba ang tingin ko sa kanyang abs.
Agad namang may nagtakip sa mga mata ko kaya napahinto ako sa pagtingin sa katawan ni Spade. Ngumisi naman ako ulit kay Dalliere.
"Eh ba't ayaw mo'kong ipatingin kay Spade?" inis ko sa kanya. Parang naiinis naman talaga siya kaya naamoy ko na agad ang tagumpay.
"Huwag mo'kong simulan, Yana." banta niya saken. Niliitan ko naman siya ng mata.
"Bakit? Ano bang gagawin mo?" tanong ko atsaka nag-cross arms. Napabuntong-hininga naman siya bago ngumiti nang malawak at inakbayan ako.
"Wala. Wala akong gagawin. Kaya 'wag mo na'kong paselosin kasi kanina pa ako nagseselos." bulong niya sa tenga ko kaya napangiti ako nang malawak.
Eh takot naman pala 'to na mapunta ako kay Spade eh.
"Eherm." dinig naming tikhim ni Spade kaya napatingin kami sa kanya. Nakabihis na siya ng isang itim na fitted v-neck shirt at isang maong pants.
"Ayaw ko sanang putulin ang quality time niyo pero may sasabihin pa kasi akong importante." nakangisi niyang sabi atsaka tumungo sa kanyang swivel chair.
Infairness ha, malapit ko nang makalimutan na nandito pa pala siya.
"Nga pala, ano ba yung kailangan mo saken, ha?" tanong ko. Napatawa naman siya sabay iling.

BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
Fantasy[ UNEDITED ] Adreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI...