Quick flashback from the previous chapter:
"Hindi ako sasabay sa'yo kasi sasakay ako sa phoenix ko." putol ko sa kanya nang nakangiti. Bigla namang lumiwanag ang mukha niya.
"Karera?" tanong niya. Napaisip naman ako.
"Ano ang premyo?" tanong ko. Para naman exciting. Hehe eksayted na'ko!
"Kung ako ang nanalo, hahalikan kita." sabi niya. Napangiti naman ako.
Magandang ideya 'yun!
"Eh paano kung ako ang nanalo?" tanong ko. Unfair kaya kung siya lang may premyo.
"Magma-macho dance ako sa harap ng school kapag natalo mo'ko." aniya sabay kindat pa. Napatawa naman ako.
Siya?! Magma-macho dance? Hahaha exciting 'to mga dre!!
"Sige ba." sabi ko tsaka inilabas ang aking phoenix. Napangiti nalang ako nang makita siya.
etc.
♣Flash Forward ♣
Adreanna's POV
Alam niyo ba kung sino ang nanalo dun sa karera?
LOL syempre ako! Hahaha. Masakit kaya sa ego kapag natalo ng isang prinsipe ang isang reyna. Kaya naman nakipag-rakrakan talaga ako dun sa dragon ni Dalliere mylabs. Infairness, ang galing nun ah!
By the way, highway, sky way... nandito ako ngayon sa palasyo KO at ng ina ko.
Anong ginagawa ko dito? Aba malay ko. Nateleport nalang ako bigla eh. Mahikera siguro ang nanay ko no? Bakit 'di ko alam?
LOL!
"Adreanna,"
Napalingon ako sa taong tumawag ng aking pangalan.
"Ina," sabi ko sabay ngiti. Syempre, nakangiti kasi siya kaya ngumiti nalang din ako. Ambastos ko naman diba kung sisimangutan ko siya. Haha end of da world na talaga kapag nag-away kami ni inang reyna dahil lang sa sinimangutan ko siya.
"May kailangan sana ako sa iyo, anak." sabi niya. Napalingon naman ako sa kanya agad-agad.
Grabe, tsaka lang maalala kapag may kailangan. Ouch much!
"Ano po 'yun ina?" tanong ko.
Ganyan naman talaga 'diba, kahit dada ka na ng dada sa isip mo ay makikipag-plastikan talaga ang dila mo. Para lang hindi ka makakita ng away. Anuraw? Hahaha.
"Hindi ko kasi mabuksan itong bote ng pickles. Tapos narinig ko na ang lakas-lakas mo raw. Kaya naisipan kong ikaw nalang ang magbukas nito." sabi niya sabay abot sa'ken nung bote.
'Eh naisip niyo rin po ba na may kapangyarihan kayo at pwede lang witik-witikin 'yan? Jahe ka naman ina eh!'
"Osige po. Madali lang naman 'to." sabi ko. Oh 'diba? Napaka-plastic talaga ng dila ko. Sarap putulin eh.
"Tapos na po." sabi ko nang mabuksan ko na ang bote. Nang iaabot ko na sana sa kanya ang bote ay natigil ako nang makita ko siyang nakangisi.
'Ngumingisi ba si ina nang ganito? Ampanget niya naman pala ngumisi eh.'
"Ina?" tawag ko sa kanya pero nanatili lang siyang nakayuko atsaka nakangisi. Tapos humaba bigla ang pangil niya kaya napaatras ako ng mga.. isa.. dalawang hakbang.
'Dikaya may lahi kaming bampira? OMG! Baka pinatos din ni Ina si Edward Cullen?! Ohmygoddess talaga!'
"Ina heto na po ang pickles niyo." sabi ko sabay tapon sa mukha niya nung pickles. Tapos nasira bigla yung mukha niya pero hindi parin nawawala ang kanyang ngisi.
"Ina, bakit... bakit ampangit niyo? OO pangit ka. Nagmana ka sa pinagmanahan." sabi ko sabay 'belat' sa kanya.
Habang inaasar ko naman siya ng mukha ko ay unti-unting nagbabago ang anyo at hitsura niya.
OMG, end of the world na.
Dejoke.
"Ina?" tawag ko ulit. Pero hindi na. Iba na ang mukhang nakikita ko ngayon.
"Hindi mo ba'ko na-miss... kakambal ko?"
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!" sigaw ko sabay bakod.
"Yana, okay ka lang?!" tanong ng humahangos na si Zerred. Tumakbo siguro siya papunta sa kwarto ko.
Kung ganoon...
Panaginip? Ampangit naman ng panaginip na 'yun.
"Zerred, aalis ako." sabi ko sabay tayo at kinuha ang tuwalya.
"T-teka, okay ka na ba?" tanong niya. Humarap naman ako sa kanya tsaka hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Hinding-hindi ako magiging okay kung hindi ako makakaalis ngayon." sabi ko sabay talikod at pumunta sa banyo.
Kailangan ko siyang puntahan.. Kailangang kailangan.
Zerred's POV
Nag-aalala na'ko kay Yana. Gabi gabi nalang siyang nananaginip nang masama. Tapos hindi niya pa sinasabi sa'ken.
Pero base sa mga kinikilos niya, iba-iba ang mga napapanaginipan niya.
Sana maging okay ka lang, Yana.
~*~
Adreanna's POV
"Lilipad o magco-commute? Tatakbo o maglalakad?"
"Magteleport ka."
"Aha! Tama. Bakit 'di ko naisip 'yon? Hahaha ang galing mo naman-- King Cedric?! Ba't nandito ka?" tanong ko. Paano kaya siya napunta dito.
"Dito ako nakatira." sabi niya. Napakunot naman ako ng noo ko.
"Anong dito? Eh diba sa palasyo--"
Natahimik ako nang makita ang paligid. Tama siya, nasa palasyo nga ako. Pero bakit ako napunta dito?
"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko. Eh diba kanina nag-iisip pa nga ako kung ano ang gagamitin para makaalis sa mansion. Grabe siya.
"Hindi mo alam?" tanong niya. Umiling naman ako. "Nag teleport ka." sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Nagteleport ako?" tanong ko sabay kamot ng ulo. Ano ba'to.
"Sabihin mo nga, mahal kong reyna. Bakit malalim ang iniisip mo? This is not you. You're used to be very focused. May bumabagabag ba sa isip mo ngayon?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
'May bumabagabag ba sa isip ko ngayon?'
"Meron nga." sabi ko nang wala sa sarili.
"Kung ganoon, ano 'yun?" tanong niya pero nag-chage topic ako. Hindi ko rin kasi alam ang sagot.
"Ah, aalis pa pala ako. Salamat sa suggestion na magtelepport ha? Bye!" sabi ko tsaka nagteleport na. Narinig ko pa nga siyang tinawag ang pangalan ko eh, pero hindi ko na siya pinakinggan pa.
Mas marami akong katanungan sa kanya ngayon... At siya lang sa lahat ng tao ang mapagkakatiwalaan ko. Wala nang iba pa.
Papunta na'ko, Dalliere.
~*~
AN:
Hello po! Hahaha. Oh, 'wag po kayong magalit ha? 'Wag po kayong mag-alala. Magkikita din po sila next chap. Atsaka sorry po kung hindi na po ako nakakapag-update. Sorry din po kung short update lang 'tong ngayon. Nahihiya na po kasi ako dahi hindi na ako nakakapag-update. Pero salamat po sa patience :*
Mahal ko kayo ♥
-YourSweetWhisperer-
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
Fantasía[ WARNING: UNEDITED. ] Adreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS H...
![[Infinity] Goddess](https://img.wattpad.com/cover/25515280-64-k190973.jpg)