Adreanna's POV
Hello from Infinitus-to Earth-and back! Haha miss niyo na'ko? Talaga?
K.
"Yana, heto na ang instructor uniform mo." sabi ni Zerred na kakapasok lang sa kwarto. Nakasuot ito ng... well wala siyang suot.
Haha joke! 'To naman. Naka-jeans lang siya na faded tsaka tuwalya na nakasabit sa balikat. Kita ang mga defined na abs dahil wala itong suot na pang-itaas. Basang basa din ang buhok ng mokong. Fresh na fresh!
Pero 'wag paloko mga guyses. Ngayon lang 'yan naligo after how many months kasi hindi naman daw nag-u-update ang otor hahaha! Edi napuno na siya ng libag noong mga months na hindi siya naligo 'diba? Yucks kadiri!
"Huy! Kung makatingin parang nandidiri sa kagwapuhan ko. Heto na uniform mo." sabi niya sabay may nilapag na naka-fold na damit sa kama ko. Napataas naman ang kilay habang nakatingin sa kama bago mapatingin sa kanya.
"Sinong niloko mo? Walang uniform ang instructor 'no. LOL!" ani ko atsaka binigyan siya ng (🌵) cactus. Swerte naman nila? Hindi ako makakagalaw nang maayos kung nakasuot ako ng fitted na uniform no. Hindi ko pa naman gusto ang pencil na sinusuot ng mga instructors sa academy. Masikip na, may slit pa! Tapos 'yung mga button-down shirts nila na halos pumutok na dahil sa sikip. Sana pumili na sila ng XXL 'no para desente.
Atsaka para magamit pa nila in case na tumaba sila nang sobra sobra. Useful kaya!
Pero sabi ko nga, wala nang uniform ang instructors kasi agaw atensyon masyado. Mabuti nalang at na-ban na 'yun agad. Syempre because malakas ako kay Principal Spade. Haha ako pa! Inlab saken 'yun eh.
"Magbihis ka na gf, ihahatid na kita." sabi ni Zerred atsaka naglakad na papunta sa pinto. Napakunot naman ang noo ko. Ba't naman ako ihahatid ng mokong na'to? May car ba siya? Charot! Joke lang fo. Hahaha eh baka kasi ako pa nga ang maghatid sa kanya eh! Loko talaga.
Well, pwede niya naman akong ihatid. Pero knowing na malayo pa ang academy, matatagalan kami. Ang pinakamadaling transportation lang dito ay ang teleport atsaka walis tingting.
Haha maka-walis tingting naman! Flying broom nalang para sosyal. Yown! Englishzxc! Hahaha!
"Gusto mong magpasama saken sa academy? Wait ka lang dun sa baba. Lablab." sabi ko atsaka kinindatan siya bago pinalabas sa kwarto. Agad ko namang kinuha ang damit na nilapag niya sa kama bago nagbihis.
-----
"Ba't antagal mo?" tanong ni Zerred habang nakatingalang tinitignan akong bumababa sa staircase. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ipinakita ang damit na suot ko.
"'Yung mga damit na binigay mo loko." sabi ko atsaka piningot siya sa tenga.
"Aray! What's wrong with the clothes I sent you? Magaganda naman yun ah." sabi niya habang tumatawa pero nasasaktan pero tumatawa parin. Ay parang baliw, ano? Halikayo dalhin na natin sa mental habang pwede pa.
"Bagay nga sa--aray aray!"
"Itong suot kong daster maganda?! Pinaglololoko mo ba'ko?" tanong ko atsaka hinila naman siya sa kabilang pisngi. Kawawa naman 'yung isa, namamaga na. May awa parin naman ako. Haha charmos!
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
ФентезіAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...