Third Person's POV
Nauna nang umalis si Dalliere papuntang Gymnasium kaya sumunod nalang si Adreanna. Hindi sila dapat makita na magkasama. Baka mabuking sila.
Nagteleport nalang papuntang Gymnasium ang dalaga. Medyo nangangalay na din kasi siya kakatayo kasama si Dalliere kanina sa may locker room.
Nakapag-bihis na rin naman na siya sa awa ng diyos. Nakasuot siya ngayon ng fitted gray sando at isang black na leggings na tinernohan ng isang pares ng white na pump shoes. Klarong-klaro ang kalakihan ng kanyang hinaharap pati na rin ang kanyang pang-upo.
Tsaka na siya nagbihis nang maka-alis na si Dalliere. Alam niya kasi na hindi ito sasang-ayon sa susuotin niya ngayon. Pati rin naman siya na nagsusuot ay hindi sang-ayon. Ginawa niya lang ito para asarin si Selene.
Nang makarating sa Gymnasium ay agad na napatingin sa kanya ang lahat. May napaawang ang bibig --pinasukan ng langaw-- at meron ding iniirapan siya.
'Insecure itey.' Isip-isip niya.
Nakangisi siyang rumampa paakyat ng gymnasium. Para siyang profesional model na naligaw at napadpad sa academia.
Halos kuminang na si Adreanna --literal-- dahil sa sobrang kasiyahan. Nagniningning siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ni Ginang Bruhilda. Minsan ay patingin-tingin siya sa direksyon ni Selene para lamang asarin ito. Ngumisi siya nang malapad kay Selene bago binati si Ginang Bruhilda na nasa harapan na niya ng, "Yo."
"Ready?" tanong niya sa guro imbes na siya ang tanungin ng guro niyang si Ginang Bruhilda. Hindi mo makikitaan ng kaba ang mukha ng dalaga. Nasisiyahan pa nga siya sa nakikita niyang reaksyon ni Selene. Kung kaya't maligayang-maligaya niyang binungad ang taong nasa harap niya, na pinuri naman siya.
"You're stunningly glowing, miss Petridis. Literally." sabi ni Ginang Bruhilda. Napangisi lang si Adreanna sa kanya, sabay flip ng kanyang mahaba at blonde na buhok.
Naglakad sila sa gitna ng Gymnasium. Nakatingin lang sa kanila ang mga panauhin na gustong makitang makipag-laban ang isang dalaga sa halimaw na nagngangalang Tholioro.
Nang makarating ang dalawa sa gitna ay agad na nagbigkas ang ginang ng mga lingwaheng hindi nila maintindihan. Napairap si Adreanna sa kawalan tsaka pinutol ang guro.
"Mali ang litanya mo." sabi niya. Nangunot ang kilay ni Bruhilda kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi iyan ang tamang pantawag sa halimaw na si Tholioro. Ako nalang ang gagawa." presenta niya. Bago pa man makapag-react ang guro ay nagsimula nang magsalita ng ibang lingwahe si Adreanna.
"Aperiet et recludet contecta portal ... Ad educendum e carcere abscondita" sabi niya.
Napanganga ang lahat nang may dahan-dahang bumubukas na portal.
Itim na portal.
Napaatras ang iba, sa pag-aakalang lalabas na ang halimaw. Pero, nagpatuloy parin sa pagsasalita ang dalaga na ang ibig sabihin ay hindi pa siya tapos maglitanya kaya nakampante sila -- kahit papaano.
"Et dimittam te Tholioro sitque libera!" sigaw ng dalaga na tila naging dalawa na ang boses.
Lumakas ang ihip ng hangin at tila nawawalan ng balanse ang lahat. Kahit na may barrier nang nailagay si Ginang Bruhilda kanina ay wala parin silang ligtas, though sigurado naman na hindi sila mapapahamak.
Slight lang.
Umikot ang portal nang mabilis. Napakabilis, dahilan para may lumabas na malalaking kidlat sa mismong loob nito. Mas lalo itong umitim at lumalim. Habang lumalalim naman ang portal ay mas lumalaki ang bukana nito.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasiAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...