Infinity 29 - Emotions

5.1K 159 5
                                    

Adreanna's POV

Dear Mr. Journal,

Magiging Instructor na ako ulit!

-Love, Yana.

Nang matapos na akong magsulat sa halos walang laman kong Diary ay isinara ko na ito.

Nakakatamad magsulat. Sayang lang sa tinta at papel. Mangangalay lang yung kamay mo, magkakaugat at magiging pasmado. Kailangan din dapat ay detalyado ang nakasulat. Tss.

Kaartehan.

Kung meron lang kasi sanang laptop o kahit na ano mang gadgets dito sa Infinitus eh.

Biruin niyo, 21st century na pero hindi parin sila updated sa technology bukod sa TV. Naturing na magic world pero walang gad--

Uy!

"'Yun na nga 'yun! Magic!" sigaw ko, habang napatayo bigla sa swivel chair ng aking study table.

Yey!

Geez, ba't ba nakalimutan kong ako si Yana na pwede lang daanin sa isang pitik ng kamay ang lahat?

Yey ulit!

Naglakad ako papunta sa kama at umupo. Indian sit, specifically, habang niru-rub ang dalawang kamay ko para uminit.

Pumikit ako nang marahan habang dinadamdam ang init sa aking mga kamay. Nang maramdaman kong sapat na ang init nito ay itinapat ko ang mga kamay ko sa aking lap. Inisip ko ang hitsura ng isang laptop.

Malapad, malamig, gawa sa matigas na plastic at metal, dinadaluyan ng kuryente, at high-tech.

Other side: bakit kailangan pang imagine-in?

Wala lang.

Other side: diretsuhin mo na!

Ayoko nga!

Other side: sige na! Nagpapaka-hassle ka lang eh.

Oh sige na. Sige na.

Other side: Yas!

Haay. Diretsuhin nalang daw.

Rub dito ... rub doon .. aaaat ...

"Tadaaa!"

Yey! May laptop na'ko! Parteh parteh!

Sobrang dali naman nun! Hindi man lang ako pinagpawisan. Bruha ka talaga other side kahit kailan eh! Pasalamat ka at mabait ako kundi, naku!

Chos!

"So, pa'no na 'to?" tanong ko sa sarili. Wala kasing koneksiyown (connection) dito eh. Hirap-hirap talaga. Nauso pa ang environmental friendly chu-chu na yan. Ala na tuloy sina kuya techno at si ate Gadget. Nubayan.

Poor poor Infinitus!

Aish mamaya ko na nga lang po-problemahin 'yan! Bahala na ang lahat ng superheroes na nakalabas ang brief! Basta ako mag--

"Ay shit may klase pa pala ako ngayon! Tangek!"

Dali-dali akong pumunta sa banyo. Nahulog pa nga ako sa kama kasi nabuhol na parang pretzel na hilaw yung mga binti ko eh. Tangengak ko talaga poreber! Buti may nainlab pa saken!

Yiiiee Dalliere beybi!

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako agad.

Malamang! -_-

Tapos ay nagsuklay, nag-- aish kayo na bahala mag-imagine ng routine ko araw-araw! Male-late ako neto eh!

Ano oras na ba?*tingin sa relo* "9:40 am."

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon