Infinity 37 - Together

4.5K 168 26
                                    

Adreanna's POV

Naglalakad kami ngayon ni Dallie-- este, ni Last papunta sa mansion. Tapos na kasi kaming mag-picnic-picnic-an dun sa lugar kung saan kami unang nag-date ni Dalliere.

Nakakamiss yung mga panahong 'yon. 'Yung magkasama lang kami, walang pino-problema, at nagsasaya.

Pero sayang lang kasi wala na siya.

Ang sakit lang na ang taong minahal mo sa pagkataong 'yun ay mawawala nalang basta-basta. Na nasanay ka sa tawa niya, nasanay kang lagi siyang nandyan para sa'yo, at higit sa lahat nasanay kang may magsasabi sa'yo lagi ng 'I love you' sa pagkataong 'yun.

Pero ngayon, wala na.

Iba na siya.

Literal na nag-iba.

Iba na nga ang hitsura, mas dumoble pa ang kagwapuhan. Jusko, grabe ang gwapo niya talaga ngayon! Biruin niyo, nandito lang pala siya sa tabi ko.

Though, marami ang nagbago sa kanya. Ang kulay ng buhok na ngayon ay itim na, ang kanyang mukhang mas gumwapo pa, at ang kanyang mata ... ngayon ay pilak na.

Pero kahit malaki man ang pinagbago niya, siya parin yung Dalliere ko noon na mapagmahal at maalaga. Walang nagbago. Siya parin talaga.

Kaya mahal na mahal ko siya.

Hindi ko lubos maisip na si Dalliere pala ang taong kasama ko ngayon. Though alam ko naman na siya talaga 'to, matagal na. Gusto ko lang talaga na siya mismo ang magsabi ng personal sa'ken.

Matagal-tagal ko na ring nalaman. Pano kasi kung nakakapag-basa pala ako ng isip, diba?

Kaya nga minsan nasasabi ko ang pangalan ni Dalliere pag tinatawag ko siya. Nadudulas eh.

Pero kahit naman na hindi ako nakakapag-basa ng isip, malalaman at malalaman ko parin naman 'yun. May personal instinct ako pagdating kay Dalliere maylabs no! Kaya nga hindi na ako madalas umiyak eh. Kasi alam ko na nandito lang naman pala siya.

Na nakabalik na pala siya.

Hindi nga lang bilang si Dalliere.

Kundi bilang si Last.

Alam ko na rin ang tungkol sa sumpa niya. Kung bakit siya sinumpa at kung bakit ganoon ang sumpa. Pero wala ako sa posisyon para sabihin iyon sa inyo. Invading someone's privacy 'yun. Medyo pribado, kaya kung pwede ay siya nalang ang magsasabi sa inyo ng mga ditalye.

Hindi ko namalayang nahinto na pala ako sa pagalalakad kaya napahinto din si Last.

"You okay?" nag-aalalang tanong niya. Tinitigan ko lang siya.

Gustong gusto na kitang yakapin, Dalliere. As in. Pero hindi pa pwede eh, kaya next time nalang, okay?

"Ah, oo. Okay lang ako, Last." sabi ko. Hindi man ako sanay na tawagin siyang Last ay sinisikap ko naman.

Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Ang gwapo mo talaga.

"Let's go." aniya atsaka hinawakan ang pala-pulsuhan ko. Napa-Oh my god naman ako bigla. With matching laki-mata-effect pa. Pero siyempre yung silent mode lang. Baka mabuking ako.

Grabe, mas nakaka-kuryente na yung hawak niya ngayon. Mas dumudoble din ang tibok ng puso ko. Jusko! Lakas ng tama ko!

Naalala ko tuloy ang kapangyarihan ko na naka-seal pa sa katawan ko ngayon. Sabi dun sa libro, true love's kiss daw ang mag-b-break ng seal sa kapangyarihan ng mga reyna. At naniniwala naman ako doon kahit papaano.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon