Infinity 9 - The invitation

10.6K 345 7
                                    

Adreanna's POV

"Galing ah. Kahit pala araw araw silang dumalaw dito okay la- Yana sa likod mo!" sigaw ni Zerred.

Walang anu-ano'y itinusok ko ang espada sa leeg ng Cerberus. "Magdusa ka!" sabi ko. Hindi siya makahinga kaya sa awa ko, tinapos ko na lamang ito.

Huli na nang mag warning saken si Zerred. Kala niya mapapatay na'ko. Pffft! Never!

"That was close. Phew!" sabi ni niya with matching pa-punas punas pawis effect pa.

Alam ko na talaga kanina pa na may isang Cerberus pa. Pero dahil chill ako na tao, ini-snob ko ito at siya mismo ang kusang-loob na lumapit sa katapusan nito. Kawawang Cerberus.

"Nagutom ako Zerred. Kain tayo, magluto ka." sabay tap ko sa kanyang likod.

"Ano ako mutchacha? Ayoko ng- sabi ko nga magluluto na'ko." Haha takot. Sinamaan ko lang naman ito ng tingin. 'Yung tingin na ilang oras mula ngayon pwede ko na siyang lapain? 'Yon 'yun eh. Haha.

-

Katatapos lamang naming kumain ni Zerred. Niligpit na niya ang pinag-kainan at pumunta ako sa salas. In-on ko ang tv gamit ang remote at inilagay ang dalawang paa sa maliit na lamesa. 'Yan tayo eh, chill.

*dingdong*

"Kasama ni Marrian si ding dong hindi mo sila makikita dito!" sigaw ko sa may pinto. Binatukan naman ako ni Zerred na kakarating lang at umupo sa couch.

"Tignan mo. May pa-Ding dong-Marrian ka pang nalalaman dyan." sermon niya. Tumayo nalang ako.

*ding dong*ding dong*

"Oo na nandito na si Marrian kulit eh." sabi ko. Tinapon naman ni Zerred sa akin ang throw pillow. Grabe harassment na! Matawagan nga ang bantay bata mamaya.

"Sorcerer po."

"Andyan na." sabi ko sabay bukas ng pinto.

"Bakit po? Ano pong kailangan kuya?" tanong ko. Mukha naman siyang harmless tapos nakapasok pa siya sa Shield. Then, bukas pa ang gate kaya siguro, yun ang dahilan kung bakit pumasok na siya agad.

"Ikaw po ba si miss Adreanna?" tanong niya.

"Ako nga. Bakit?" mamimilosopo pa sana ako pero hahaba lang ang convo eh.

"May ipinapabigay po sa inyo mula sa kaharian ng mga Light. Aalis na po ako." sabi niya.

Tumango nalang ako tapos inihatid siya sa gate. Syempre dahil isasara ko iyon. Answerte niya naman kung ihahatid ko siya ng walang dahilan diba? Lol.

"Zerred tignan mo." sabi ko sabay abot kay Zerred ng imbitasyon. Isa iyong Grand Ball para sa pagbabalik ng kanilang anak na Prinsipe.

"You are hereby invited for the chu..chu..chu from the king and Queen blah..blah..blah for their son's comeback blah..blah..blah." grabe makabasa si Zerred halatang hindi interesado.

"So, pupunta ba'ko?" tanong ko.

"Sige. Basta kasama mo'ko." napangiwi naman ako.

"Chafferone kita? Ayoko." sabi ko sabay batok niya saken. Nakakarami na siya ah!

"Hindi babae! May imbitasyon din ako mula sa mga Light. Kaibigan ko kaya ang prinsipe." phew! akala ko magiging chafferone ko siya.

"So escort kita?" tanong ko ulit.

"Hindi ba obvious?" pamimilosopo niya sabay akbay saken. Sanay na akong ganito kami ka'close. Sa lahat ng tao, si Zerred ang pinaka pinagkakatiwalaan ko. Bestfriend ko din naman siya, kaya bakit hindi? Diba?

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon