Tatlo po ang UD ngayon kasi mawawala po ako ng mga ilang araw dahil sa boyscout jamboree. Sana po ay e-vote ninyo lahat :)
Mahal ko kayo :*
**
Zerred's POV
"Yana, kain ka na."
"Busog ako,"
"Pero wala pa'ng laman ang tiyan mo, eh. Kahapon ka pa hindi kumakain, pa'no ka nabusog?"
"Just ... leave me alone, Zerred."
"Pero--"
"Thank you." putol niya sa'ken.
Tatlong linggo na siyang ganito. Hindi kumakain, hindi naiinitan at hindi lumalabas ng kwarto.
I wonder kung naliligo pa ba siya.
Tulala siyang umuwi noong nakaraang tatlong linggo. Nagtaka ako kung bakit, eh magkasama naman sila ni Dalliere. Pero nang maalala ko, tsaka ko na nalaman.
Pula ang buwan.
Mawawala pala si Dalliere.
Hindi na pumapasok sa skwela si Yana, hindi na din siya nagtuturo. Dito lang talaga siya. Natutulog.
Minsan-- madalas, naririnig ko pa siyang umiiyak.
Kaya naaawa ako sa bestfriend ko.
Hindi kasi ako sanay na ganito siya.
Miss ko na yung makulet, nambabara, palabiro, moody at masayahing si Yana. Ayokong nagkakaganito siya.
Ang lungkot niya.
Minsan, gusto ko siyang pagalitan, kasi hindi naman mababalik ng mga iyak at pagmumuk-mok niya ang pagkawala ni Dalliere. Pero at the same time, naiintindihan ko siya.
Mahirap mawalan ng minamahal. Lalong lalo na't sa bisig niya pa ito nawala.
Mahirap din sa part ko kasi kapatid ko si Dalliere. Pero kailangan kong magpakatatag para kay Yana. Ayokong ipakita sa kanya na pati ako ay mahina. Gusto kong maging positibo sa paningin niya, nang sa gano'n ay mabawasan ang pangungulila niya kay Dalliere.
Kaya sana ...
Sana maging okay na siya.
Adreanna's POV
Sariwa parin.
Yung lahat ng ala-ala nung gabing yun.
Sariwang sariwa pa.
Alam ko namang babalik siya eh. Naniniwala ako dun.
Pero kailan?
Naaalala ko pa yung mga ginawa namin nung gabing 'yon.
Naglibot pa kami sa perya. Nanood pa kami ng sine. Tapos nag star gazing.
Ang saya saya pa namin nun.
Tapos... tapos...
Napapikit ako nang mariin nang may maramdamang luha sa aking mga pisngi. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak, hanggang sa tuluyan na'tong naging hikbi.
Wala na siya.
Wala na si Dalliere.
Nakakapagod nang umiyak.
Pero masakit talaga eh.
Ang sakit sakit ...
Napakasakit.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasiaAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...