Infinity 22 - Tricked

5.1K 184 4
                                    

Adreanna's POV

"I believe you." sabi niya.

Napapikit ako nang mariin.

Shit.

Sakanya siya kumampi.

Gusto ko siyang suntukin, sabunutan, kurutin, tanggalan ng ipin, saksakin ng staw, ipakain sa ipis, sunugin sa init ng kaldero at pitikin ng kolangot para magkamalay at matauhan.

Pero hindi ko magawa.

Wala eh.

Gustuhin ko man ang pumalag, siya na mismo ang nagdesisyon. Si tuod yung pinili.

Siya yung pinaniwalaan.

Kaya sige.

"Okay. Pakasaya kayo." malamig na sabi ko sabay talikod. Wala nang dahilan para magtagal pa'ko dito kaya sige, gora!

Other side: Ano yung gora?

GO, DORA.

"Yun na lang yun?" tanong ni tuod. Hindi na'ko nag-abalang lingunin siya.

Sila.

Para saan pa ba? Para masaktan? Para pag nakita ko ulit ang mukha ng lalaking iyon ay mayakap ko nalang siya bigla-bigla? Na nasasaktan akong malaman na sa tinagal-tagal namin, kahit bago pa lang naman, ay mas pabor sa kanya yung babaeng yun?

Magkaano-ano ba sila? Tsk.

"Ganyan ka ba magmahal?" biglaang tanong ni tuod dahilan para mapatigil ako.

Ano na naman ba 'to?

"Bakit ka pa ba nagtatanong? Nasa'yo na si Dalliere diba?" sabi ko nang lingunin ko sila. Nakatingin si Dalliere sa ibang direksyon.

Ayaw niya ata akong makita.

"Alam mo," panimula ni tuod sabay hakbang papalapit saken. I stayed on my place. Eh ano kung papalapit siya? May lilitaw ba bigla na malaking buway--

"HOLY SHIT MERON NGA!" sigaw ko sabay talon.

Pa'no ba 'yan napunta sa paanan ko?!

"Stop it, Fela!" sigaw ni Dalliere kay tuod. Diniin niya talaga sa tenga.

Grabe ka naman Dalliere. Hindi ka na naawa sa eardrums.

"Rapeus sideo" bulong ko tsaka tumungo sa direksyon ng buwaya.

Bale nasa taas kasi ako ngayon, nakalipad. Alangan namang lumanding ako sa baba. Edi nalapa ako? Foreves deds na lola niyo?

Taray.

Kaya yun nga, nag appear-dissappear si mareng buwaya. Nganga kasi nang nganga. Kulang nalang talaga tumulo yung laway eh.

Ganda ko talaga. Tsk. Tsk.

Saan din ba kami ngayon? Nasa cafeteria lang naman. Gumagawa ng eskandalo. Pero ewan ko ba. May NANLILINLANG (caps locked para feel xD) sa paligid kanina pa eh. Hindi ko lang matukoy kung sino.

Kaya nga hindi kami nakikita ng ibang estudyante. Pero nakikita namin sila. Nacu-curious tuloy ako. Hindi naman kasi ako ang may gawa. Masyado akong halimaw ngayon para kumembot at mag-ala super twins sa pag gewang para lang hindi kami makita ng ibang estudyante.

Kaya sino nga ba?

"Yana right?" tanong ni tuod. Tinignan ko lang siya ng malamig. Kailangan ko kasing magpalamig kahit minsan. Sinisira ko daw kasi ang buong mundo dahil sa global warming. Nasobraan daw ako sa pagiging hot. Chos!

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon