Hiiiii I'm baaaaaaaack!
How long has it been since nanirahan ako bilang isang simpleng mamamayan kasama ang aking irog? Hmmm, mag-iisang taon na yata.
Heto ako, maganda parin. Dyosa parin kahit wala nang magic hahaha! May natira parin namang kapangyarihan, pero levitation nalang. Sa side ni mama na dyosa, charmos! Hahaha.
Anyways, what happened that day, nung malapit na'kong mamatay is a history. Natalo ko ang aking kambal pero!! Plot twist, hindi siya namatay! Bumalik lang siya sa katawan ko.
Actually daw kasi, sabi ng mama ko, (na hindi nakisali noong naghihirap ako kasi bawal daw siyang makisali, tss) ay hindi ko naman talaga siya kakambal. Namana ko daw ito sa aking ama. Si Brianne ay ang aking Yin. She provides me spirit. Kahit na siya ang Yin ay hindi ibig sabihin na puro lamang siya kasamaan. Sadyang mas dominant lang sa kanya ang itim kung kaya ay nagpadala siya dito. Ngunit kung hahayaan niyang ang maliit na puting parte sa kanya ang mangibabaw, malaki ang tyansang maging mabuti ang pananaw niya sa lahat. Ganoon din ang sa akin. Ako ang Yang, at kabutihan ang mas nangingibabaw sa akin. Ngunit kapag hinayaan ko ang maliit na parte ng kasamaan na sumakop sa aking pagkatao ay hindi na ito mapipigilan pa, unless kung nandyan ang aking Yin. Kailangan namin ang isa't isa kaya hindi mabubuhay ang isa kung wala ang isa.
Ang totoong kalaban talaga dito ay noon pa man ay ang Yang ni papa. Siya ang Yin, ngunit hinayaan n'yang mangibabaw ang maliit na puting parte sa kanya kaya nangibabaw sa kanya ang kabutihan. Kabaliktaran naman ang nangyari sa kanyang Yang, sapagkat nagpasakop ang kanyang Yang sa maliit na kadiliman kaya ito naging masama. Ganun pa man, kahit na masama na ang kanyang Yang ay ibinalik parin n'ya ito sa kanyang sarili sapagkat kailangan nila ang isa't isa para maging balanse ang dalawa.
Nasagip ni papa ang lahat ng natira doon, lalo na ako. Isang linggo yata bago ako nagising. Naaalala ko pa nga ang sinabi ni Dalliere kaya nagising ako.
"Magigising ka o papakasalan ko si Celine?"
At dahil ako si Yana, aba'y hindi ako magpapatalo sa forever frienemy ko na 'yon 'no!
Yas bitches, this is Adreanna Motherfucking Petridis, the one and only palpak at astig na dyosang inyong nakilala.
*Kriiiiing*Kriiiiiiing*
Pinalapit ko sa akin ang telepono dahil ang layo nito (duuuuh obviously, Yana) bago ito sinagot.
"Hel---"
"Look outside,"
Huh? Ba't n'ya naman kaya ako patitinginin sa labas?
"What do you----mean? Oh my gosh!"
"WILL YOU MARRY ME?" tanong ni Dalliere habang nakaluhod na nakahawak sa isang maliit na box na may lamang singsing. Nakatayo sa likod ang lahat ng kaibigan namin habang nakahawak sa mga letrang inihulma ng mga paru-paro at alitaptap. Nakalutaw pa ang lahat ng magagandang bulalaklak (tanggal na ang stem, ang petals nalang) atsaka humuhulma ng pusong apoy ang aking dragon na si Tholioro sa kalangitan habang ang mga ibon naman ang nagtulong tulong sa mga maliliit na ilaw atsaka nagpalutang din sila ng mga sky lanterns sa itaas. Sobrang liwanag ng gabi dahil sa kanila, jusko hindi ako makapaniwala!
Napahawak na lamang ako sa aking bibig dahil hindi ko na mapigilan ang aking mga luha. Mahal na mahal ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Sobrang dami na ng pinagdaanan namin. 'Yong iba'y sinubok pa ang aming katatagan.
Pero ngayon, heto siya't nakaluhod sa aking harapan. Nakahawak ng singsing habang tumutulo pa ang luha sa mga mata't nakangiti nang wagas. Gosh, how long have I been waiting for this? Ever since I met him, I loved him. Kaya hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa.
"Boom karakaraka! YES NA YES!"
The End.
If my ending is lame, sorry for the inconvenience. I can edit that in the future. But please, do not refrain me from celebrating kasi TAPOS NA! WOOOOOOOH!
Mixed emotions ako ngayon mga bess/anak, kasi masaya ako kasi finally, tapos na. Pero at the same time, malungkot din ako kasi tapos na nga. Huhuhuhu
This was my very first story dito sa wattpad, at inaamin ko na sa sobrang katamaran kong mag-update ay inabot na ng tatlong taon ang Infinity Goddess pero sobrang nasisiyahan naman ako habang sinusulat ito. Nasisiyahan ako kapag nababasa ko ang mga comments ninyo. Nasisiyahan ako kapag naiinis na kayo kasi antagal kong mag update, dahil isa itong assurance sa akin na may naghihintay pa ng story na'to. Dahil sa inyo kaya ginaganahan ako.
At dahil tapos na ito, maaari na kayong mag back-read dahil kompleto na ang chapters. Alam kong nawala na kayo sa flow ng story kaya sori mga anak/bess hehe lab ko kayo :*
Comment naman kayo d'yan ng mga gusto n'yong sabihin sa akin at sa story ko oh. Para ma-touch naman ako hehehe pang-inspiration lang.
Mahal ko kayong lahat!
Nagmamahal,
SweetestBookworm
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasíaAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...