Infinity 12 - Her Agony

7.6K 266 6
                                    

Third Person's POV

Nakapwesto na ang dalaga sa ibabaw ng gymnasium, habang ang dalawa niyang kalaban ay papa-akyat pa lang.

Halata sa aura ng dalaga ang galit. Nakakunot-noo ito na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Pati ang panahon ay nakiki-ayon din sa nararamdaman niya.

Bigla-bigla na lamang kumulog at kumidlat ng malakas, na kabaliktaran naman sa panahon kanina.

Mula sa brown at blonde na buhok ng dalaga, naging itim ito. Nanatili ang kakulutan at kagandahan ng kanyang buhok pero hindi nakaligtas sa pagbabago ang kulay ng kanyang mga mata.

Mula sa brown ay naging itim din parehas ang mga ito. Mas humaba ang kanyang pilik mata na mas dumagdag naman sa atraksyon ng kanyang mata.

Kung hindi lamang nakialam ang babaeng 'yon kanina, hindi sana nagkakaganyan ang dalaga.

•Short Flashback•

"Who... Who are you?" kunot-noong tanong ng binatang si Dalliere habang nakatingin sa babaeng umiiyak sa kanyang harapan— si Adreanna.

"A-anong kalokohan 'yan Dalliere?" tatawa-tawang tanong ng dalaga na bakas sa mukha na lubha itong nasasaktan.

"I don't know you." malamig na sabi ni Dalliere na nakatingin sa ibang direksyon at mas lalong nagpaiyak sa dalaga.

Umiling si Adreanna ng maraming beses, "Hindi. Hindi. Hindi! Nagbibiro ka lang Dalliere, nagbibiro ka la—" akmang yayakapin na ni Adreanna ang binata nang bumulyaw ito.

"Get the fuck away from me! Don't touch me, fuck!" natigilan ang dalaga. Sinuri ng umiiyak nitong mata ang mukha ni Dalliere. Pero wala siyang ibang nakita dito kundi pagkalito.

'Hindi niya 'ko kilala? P-paanong hindi? B-akit niya ako makakalimutan?' utal na tanong dalaga sa kanyang isipan. Pakiramdam niya ay hindi nagsisinungaling ang binata sapagkat pati ito ay nalilito kung sino ang babae sa kanyang harapan.

Pinahid ng dalaga ang kanyang luha. "A-ako si—" pero hindi niya natapos sapagkat may babaeng lumitaw sa tabi ni Dalliere.

"Selene" malamig na sambit ng dalaga na malamig ding tinignan si Selene. Nginisian lamang siya nito saka hinalikan sa labi si Dalliere. Nanlaki ang mata ng dalaga pero bigla uli itong lumamig.

'Mga traydor!' sigaw ni Adreanna sa kanyang isipan.

Nagsalita naman si Dalliere at Selene na mas lalong nagpalalim sa galit ni Adreanna bago siya nawala at pumunta sa gymnasium.

"Babe, who's that filthy girl?"

"Just... A random bitch." ang huling nadinig ng dalaga.

-End of flashback-

"Ano ba! Lalaki ba talaga kayo?! Bakit antatagal niyo?!" inip at galit na tanong ni Adreanna. Ngayon lamang nakita ng mga tao dito na ganito kagalit ang dalaga.

"Excited?" nakangising tanong ni Dalliere.

"Yeah. To kill you." malamig at walang ganang sabi ng dalaga na nagapaatras sa mga sorcerrers at nagapatayo sa mga balahibo nito.

Nilagyan ni Professor Bruhilda ng shield ang natitirang parte ng gymnasium kung nasaan nakatayo sina Adreanna, Dalliere at Jade.

Oo, Bruhilda ang pangalan niya. Bruhang Hilda pag tinaasan. Si Adreanna ang nagpangalan sa kanya niyan noong nasa palasyo pa lamang siya. Naging private tutor niya ito, kaya ganun na lamang sila kung magbangayan.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon