Infinity 33 - Puzzled

4K 153 21
                                        

Adreanna's POV

"It's for me to know, and for you to find out."

Hindi parin ako mapakali sa sinabi nung lalaking yun.

Bakit may kailangan pa'kong tuklasin? Pwede naman na sigurong sabihin niya nalang, diba?

"Haaay."

By the way, nandito ako ngayon sa VSC. By schedule kasi ang pasok ko. Kapag Mon, Wed, at Friday, instructor ako. Pero kapag Tuesday and Wednesday naman, estudyante ako.

"Haaaay."

"Huy!"

"Ay estudyante! Zerred naman eh!" reklamo ko. Tumawa lang siya.

"Panay kasi yang buntong hininga mo diyan. Para kang namatayan." sabi niya.

"Huy, hindi ah. Grabe ka, may iniisip lang." aniko.

"Sino iniisip ko? Ako?"

"Kapal mo--"

"Class, meet you new classmate." ani Maam Bruhilda.

Napatingin kaming lahat sa pinto at iniluwa nun ang isang napaka-gwapong nilalang. Walang emosyon ang pilak nitong mga mata pero shet, ang gwapo parin.

Other side: Huy akala ko ba may Dalliere ka na?!

Ay oo. Sus, parang ina-appreciate lang ang ka-gwapuhan nung nilalang eh.

Other side: Appreciate your face.

"Good morning," bati niya. Yung mga kaklase kong babae panay ang pa-cute. Kesyo daw ang gwapo-gwapo at ang hot hot.

Kainin ko sila ng buhay diyan eh -_-

Tumingin sa direksyon ko ang lalaki kaya natigilan ako at napahawak sa dibdib ko.

Dug. Dug. Dug. Dug.

Shet, mali 'to.

Nag-iwas ako ng tingin pero nakahawak parin ako sa aking dibdib.

"My name's Last. Nice to meet you." sabi niya at naglakad na.

Hindi ko alam kung saang direksyon siya naglakad pero sigurado akong hindi magandang direksyon iyon.

Naramdaman kong may malikot sa likod ko kaya napaharap ako para tignan yun.

"Zerred ba't anlikot mo--"

~•tsup•~

OH MY GOD.

SHET. SHET. SHET!!!

Nahalikan ko siya.

Oh M G nahalikan ko siya.

Waaah magdiwang!

Este, magluksa! Papatayin ako ni Dalliere neto.

"S-sorry. Akala ko kasi si Zerred yung nasa likod ko." sabi ko nang nakatungo.

Nakatingin ba siya saken?

Tinitignan niya ba'ko habang nakayuko?

Malamang ...

... hindi.

Waaah ba't ako nagkakaganito?!

"Okay lang," aniya kaya malamang, mas namula ako. Ang init ng mukha ko, grabe.

Zerred help me!

"Eherm," ani Zerred. Halatang fake lang yun pero atleast hindi na saken yung atensyon ng iba.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon