Infinity 26 - The Coronation

4.9K 177 19
                                    

AN: Sa mga hindi parin po nalilinawan sa flow ng story, moody po si Yana ha? Kaya h'wag po sana tayong magtaka kung sa isang update ay childish siya, at sa susunod naman po ay seryoso o bossy.

Part po ng character niya ang pagiging moody kaya 'wag na ho sana kayong magkaroon ng question mark sa ulo if ever na may mangyaring sudden change of moods. Thanks ^_^

--

Adreanna's POV

Naglakad lang ako pabalik ng Hestizo. Ayaw ko mang iwan ang Diamantopoulos Mansion ay kailangan.

Kailangan ko pang maghanda.

Kaya ayun, iniwan ko nga. Wala naman ding ibang makakakita doon maliban saken, at sa kung sino pa man ang mga natitirang Diamantopoulos sa mundo --which is ako lang dahil ubos na ang lahi namin.

Nang makapasok ako sa gate ng akademya, bumungad agad saken ang matinding kumpulan ng mga estudyante. Narinig ko din yung mahihina nilang bulong, dahilan para kumunot ang noo ko.

"The King's here."

"Nandito siya para sa koronasyon ng mahal na reyna."

"Akalain mong ang isang haring tulad niya ay bente anyos pa lamang?"

"Eh yung magiging reyna nga ng buong Infinitus, seventeen lang eh."

"OMG talaga?"

"Yeah. Kaya tahimik na tayo, baka madinig pa tayo ng mahal na hari."

At iba-iba pang komento na hindi ko na lamang pinansin at naglakad na patungo sa kumpulan.

Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng magtipon-tipon, sa pathway pa?

"So, may hari na din pala ang Infinitus." bulong ko.

Hay.

So yeah, I just walked past them. Puro nga 'ko "Excuse me," o 'di naman kaya ay "Sorry," sa mga taong nakakabangga ko eh. Tapos sila iniirapan lang ako.

The nerve.

Hindi ko nalang pinansin kasi nasa teritoryo pa naman nila ako. Baka mainsulto ko sila-- which is hindi ko naman gagawain. But I can't hide the fact that I'm a bit dissapointed. Puro kasi matataas ang pride ng mga tao dito. Wala man lang marunong magsabi ng sorry. Tsk.

"My Queen,"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakalampas na ako sa kumpulan at papunta na'ko sa dorm para magpahinga nang biglang may humarang.

Nakayuko ito, at masasabi mong mataas na ang galang nito saken kaya napakunot ako ng noo.

"Nicole?" tanong ko. Nanatili parin siyang nakayuko kaya hinawakan ko siya sa balikat.

Si Lady Nicole na masyadong mapagmataas, nakayuko?

Sa harap ko?

Jusko Nora may himala!

"Ako nga, mahal na reyna." aniya. We are starting to gain audience kaya nailang ako. Pinatayo ko agad si Nicole nang tuwid bago pa ulit magsimula ang bulungan.

"What do you think you're doing, Nicole?" tanong ko. Tinignan niya lang ako tapos nginitian, bago nagsalita.

"Yumuyuko." she said.

"Pero bakit?" tanong ko. Last time I checked, nagbangayan pa kaming dalawa dahil sa yuko-yuko thingy na 'yan. Tapos ngayon siya mismo ang pupunta sa harapan ko para yumuko? Hindi ko maintindihan.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon