Infinity 41 - Continuation

3.9K 140 13
                                    

Dedicated to @fake_princess09 at kay @CharoterangOA dahil nacu-cutan ako sa mga comments nila. Ang cute cute lang mag react. Hahaha!

**

Adreanna's POV

Nauna na akong pumasok sa palasyo habang nakasunod sa naman sa akin si Last. Feeling ko kasi ako agad ang hot topic dun ngayon. Umalis ka ba naman sa sarili mong ball, tapos pag balik mo para ka nang muchacha.

Mas maganda kapag habang pinag-uusapan nila ako, then dadating ako bigla, may magsasabi ng, "Speak of the devil and the devil will come." Oh diba?

Hindi pa man ako nakaka-apak ay sumalubong na sa akin si ina at agad niyakap ako. Nag-alala talaga siya.

"Anak! Goddessness! I'm so worried sick! Maayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya habang nakahawak sa mukha ko. Tumango naman ako at ngumiti.

Napatingin siya sa suot kong sweatshirt at jeggings, tapos nagtaas ng kilay.

Uh-oh.

"What happened to you? Bakit ganiyan na ang iyong damit? May nangyari ba?" tanong niya. Napairap ako sa isip sabay iling.

"Ina, wala po ito. Atsaka, ayos lang po ako. Tutal, kasama ko naman po si...Last?"

Nagtaka ako nang hindi ko makita si Last sa likod. Hinanap ko siya sa buong paligid pero hindi ko siya makita. Kasunod ko lang siya kanina ah!

"Ina! Si La--hsdmmmpf."

"Shhhh. Kami nang bahala. Sa ngayon, magpahinga ka na muna, aking anak. Alam kong ikaw ay pagod na." aniya saken.

Tinitigan ko muna sandali ang kanyang magandang mukha bago tumango, at umakyat sa aking kwarto.

Naligo ako agad at nagpalit ng pantulog. Kung tatanungin niyo ang disenyo ng aking kwarto, well, yung pang reyna talaga. Kayo na ang bahalang mag-imagine.

Pumunta ako sa terrace ng kwarto at umupo sa railings. Oo, sa railings mismo.

Naisip ko lang kasi si Dalliere. Si Last ba talaga siya? Siya ba talaga 'yung lalaking mahal ko? Mahal niya pa ba ako?

Somehow, nagdududa na'ko sa sarili kong kakayahan. Kung tama ba talaga ang hinala at nararamdaman kong si Dalliere si Last. Kung tama ba talaga ang lahat ng nababasa ko sa isip niya, o kung tama ba talagang paniwalaan na nakabalik na siya.

Kasi masakit.

Nami-miss ko na siya ng sobra, pero wala akong magawa. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin na siya si Dalliere.

But what's keeping him silent?

--

Matapos ang ilang araw ng pagtira sa palasyo ay bumalik na ako sa mansion. Pumasok na rin ako tsaka nagsimula nang magturo ulit. Napapabayaan ko na kasi ang SC at VSC. Nakakaawa naman.

Maayos naman ang takbo ng lahat. Lahat maliban sa isa.

Hindi ako pinapansin ni Last.

Oo, hindi. Kapag nagkikita kami sa klase ay hindi kami nagpapansinan. Nakaupo lang siya sa sulok, habang pasimple akong sumusulyap sa kanya. Walang siyang pinapansin, palaging nakakunot-noo, o kung hindi naman kaya ay natutulog.

I tried approaching him but it was useless. Parang hangin niya lang akong nilalagpasan.

At tangina masakit.

Namimis ko na si Dalliere. Namimiss ko si Last. Pero hayun siya, parang walang kakilala sa mundo. Minsan nakikita ko pa siyang nagmamasid-masid sa kung saan siya tutungo. And it's creeping me out.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon