Infinity 42 - Naughty Lovers

4.4K 140 16
                                    

AN:

Hello sa inyong lahat. Gusto ko lang magpasalamat sa mga gustong mag-stay ng storyang ito.

Ang update po na ito ay para sa inyo. Kahit na lame po ay sana magustuhan ninyo.

Mahal ko kayo :* ❤

--

Adreanna's POV

Hinila ako bigla ni Last sa kung saan. Napunta kami sa hallway, sa likod ng dorms ng Academia, hanggang sa napunta kami sa tago pang bahagi ng school.

Napahinto ako bigla nang makita ang lugar kaya napahinto din si Last sa paghila. Humarap siya saken tsaka sinara nang bahagya ang aking bibig.

Opo. Nakanganga po ako.

"Alam kong maganda ang lugar. Wag kang obyus." aniya saken habang tumatawa kaya napakurap ako nang ilang beses upang mabalik ako sa ulirat.

Tsaka pa nag-sink-in sa isip ko ang sinabi niya kaya agad ko siyang hinampas. Napa-aww naman siya sabay hawak dun sa braso niya. Masakit kasi daw.

"Sorry," sabi ko sabay ngiti. Sinenyasan niya naman akong lumapit sa kanya kaya lumapit ako agad.

Bahagya niya akong hinila para sa isang yakap. Niyakap ko naman siya pabalik pero parang mas mahigpit 'yung sa kanya.

Oh edi siya na ang na-miss ako.

"Namiss ko 'to." sabi niya. Speaking of. Napapikit naman ako at bahagyang napangiti, knowing na pareho kami ng nararamdaman ngayon.

"Ako din, na-miss ko 'to." aniko tsaka mas yumakap pa. Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa malapad niyang dibdib para mas kumportable. Narinig ko naman siyang tumawa.

"Alam mo bang grabe ang tiniis ko para hindi makalapit sa'yo?" tanong niya. Nangunot naman ang noo ko kaya bubuwag na sana ako sa yakap nang mas higpitan niya pa ito. Hindi na tuloy ako makagalaw.

Sa huli ay hinayaan ko nalang siya tsaka ako nagtanong.

"Bakit mo naman ako nilalayuan?" tanong ko, though, parang alam ko na ang kalahating sagot sa tanong ko. It's just not my story to tell kaya mas gusto ko na sa kanya muna manggaling bago ko ma-explain sa inyo. Gets?

Narinig ko siyang bumuntong hinga bago sumagot.

"Alam ko kasing alam nila na ako si Dalliere kaya lumalayo na ako sa'yo."

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Kasi gusto kong protektahan ka. Ayaw kitang mapahamak nang dahil sakin kaya lumalayo ako sa'yo. Pero it turned out na..." bumuwag siya sa yakap at iniharap ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa pisngi at tinitigan niya ako sa mata.

Napalunok ako at napahawak sa aking dibdib. Parang mas bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon kaysa noon. Mas lumakas ata ang epekto sakin ng mokong na'to.

"...it turned out na mas gusto ko pang lapitan ka. Mas nami-miss kita habang nilalayuan kita. Ewan ko ba!" sabi niya sabay sabunot sa sarili niya. Na-frustrate ata sa pag-e-explain.

Napatawa nalang ako sa aking isipan. Panira ng moment masyado kung tatawa ako ng malakas sa harap niya ngayon, lol. Tsaka enebe. Patapusin natin siya. Kinikilig ako eh! Hihihi yiiiee.

Bago pa ako makapag-isip muli ay bumuntong hininga na siya bago ulit nagsalita.

"That's the reason why nakitira ako sa mansion, kung bakit lagi nalang akong sumusulpot kapag nag-iisa ka, lalong lalo na nung napaiyak ka kasi na-dissappoint ka dahil ako ang lumabas sa hexagon imbes na si Dalliere." aniya tsaka tumungo. Himinga siya ulit nang malalim bago ulit nagpatuloy. "Ayaw ko talagang magpakilala nung mga panahong 'yon pero wala talaga eh. Mas malakas ang tama mo sa puso ko kaysa sa paninindigan kong hindi dapat magpakilala sa'yo." aniya.

T-teka! Pick-up line ba 'yon? Bumanat ba siya? Kasi... Yiiieee! Kinilig po ako ng bonggang bongga!

Tumikhim ako habang tinatago ang aking ngiti. Grabe, napakaseryoso ng usapan tapos ngingiti-ngiti ako mag-isa? Baka isipin nitong lalaking 'to na nahihibang ako tapos sasabihing, "Ultimate turn-off!"

Hesus maryosep. Huwag naman sana. Alam kong mahal niya ako kaya tanggap niya ako, alam ko yun!

Lol.

"Atsaka--"

Hindi na natapos ni Last ang sasabihin nang biglang humangin nang malakas.

Napatingin naman agad kami sa taas at nagulat nang makita ang dragon na lumilipad pababa sa amin.

"A-anong--?"

"He's my guardian, Scale." pakilala ni Last sa dragon na nakaharap sa amin ngayon. Pero nanatili akong namamangha at nanlalaki ang mata.

M-may dragon siya? Eh diba ibang dragon 'yung nakuha niya dun sa egg hunting?

"B-bakit ka may dragon?" tanong ko sa kanya. Pinitik niya naman ang tungki ng ilong ko kaya napahawak ako dun.

Masakit kaya!

"Nakalimutan mo na bang, AKO si MONARCH DALLIERE? Syempre prinsipe ako kaya may dragon ako." sabi niya kaya napatampal ako sa noo ko.

Bugok ka Yana! Ba't nakalimutan mong prinsipe pala si Dalliere?

"A-ah.. Hehe. Sorry nakalimutan ko." sabi ko habang nagkakamot ng pisngi. Kinagat siguro ng lamok.

"You wanna ride?" tanong niya. Napaisip naman ako.

Sasakay ba'ko o hindi?

"Uhmm... Hindi nalang siguro." sabi ko. Nakita ko namang nadismaya siya bigla.

Malamang! Ikaw kaya ang tanggihan!

"O-okay--"

"Hindi ako sasabay sa'yo kasi sasakay ako sa phoenix ko." putol ko sa kanya nang nakangiti. Bigla namang lumiwanag ang mukha niya.

"Karera?" tanong niya. Napaisip naman ako.

"Ano ang premyo?" tanong ko. Para naman exciting. Hehe eksayted na'ko!

"Kung ako ang nanalo, hahalikan kita." sabi niya. Napangiti naman ako.

Magandang ideya 'yun!

"Eh paano kung ako ang nanalo?" tanong ko. Unfair kaya kung siya lang may premyo.

"Magma-macho dance ako sa harap ng school kapag natalo mo'ko." aniya sabay kindat pa. Napatawa naman ako.

Siya?! Magma-macho dance? Hahaha exciting 'to mga dre!!

"Sige ba." sabi ko tsaka inilabas ang aking phoenix. Napangiti nalang ako nang makita siya.

Ang ganda niya talaga.

"Handa ka na?" tanong ko tsaka sumakay sa likod ng aking phoenix. Malaki na kasi siya ngayon kaya kayang-kaya na niya ang bigat ng sampung tao. Astig nga eh.

"Kanina pa'ko handa. Baka ikaw ang hindi." sabay sakay niya din sa dragon niya. Napangisi nalang ako.

Alam mo bang isang ancient phoenix ang hinahamon mo ngayon mahal ko?

Ngumiti nalang ako tsaka nagsimula nang magbilang.

"Three... Two... One... Let's go!" sigaw ko tsaka nakipag-karera na kay Last.

Someone's POV

Magsaya ka lang ngayon mahal ko. Lasapin mo na muna ang kalayaan mo ngayon. Kasi kapag nakalabas na ako... Sisiguraduhin ko sa'yong matatapos na ang ang mga masasayang araw mo.

Maghintay ka lang.

Pupuntahan kita Adreanna.

Kukunin ko sa'yo ang lahat.

Kahit na ako pa man ang iyong nawawalang....

...kakambal.

**

AN:

May mga bago po akong stories. Please supportahan ninyo. Heto po 'yun.

-T H A N A: Book 1

-Lost Days

'Yan lang po. Kung hindi niyo po makita, tignan niyo nalang po sa woks ko :) Mahal ko kayo :*

--YourSweetWhisperer ❤

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon