Infinity 46 - Sudden

2.7K 78 4
                                    

Adreanna's POV

"ANG REYNA AY PANGEEET! ANG REYNA AY PANGEEET! ANG REYNA AY PANGEE--!"

Itinapon ko agad ang alarm clock kong sobrang bansot ng pinagtatatalak nang magising ako. Panigurado, si Brianne na naman ang may pakana nito.

Bumangon na ako at dumiretso nalang sa banyo. Grabe si Dalliere matulog, hindi man lang nagising sa ingay kanina.

Kinuskos ko agad ang aking mga libag at tumapat sa shower. Parahas ko ring nilagay ang shampoo sa buhok ko at padarag kong nilagay ang body wash sa katawan ko.

Na-badmood na'ko. Kainis kasi yung alarm.

Ipinulupot ko ang tuwalya sa aking katawan at dumiretso sa aking walk-in closet.

Nakita ko pa si Dalliere na nakaupo pa sa kama habang kinukusot pa ang mata. Medyo magulo din ang buhok niya kaya mas lalo siyang naging cute tignan. Ngumisi ako bago tuluyang pumasok sa closet.

Pumili ako ng isang simpleng puting dress. Maganda ito at ilegante kahit simple lang. Tinernohan ko naman ito ng  isang puting heeled na sandal.

Lumabas ako sa closet nang hindi pa nagsusuklay. Minsan kasi tinatamad ako dahil sa sobrang haba na ng buhok ko.

Putulan ko kaya?

Next time na. Bagay naman kasi sakin.

Nakabusangot ang mukha ko habang tinitignan si Dalliere na nakatingin din sa akin. Nangunot ang noo niya.

"What's up with you?" nakangising tanong niya sabay halik sa noo ko. Hindi ko siya sinagot at umupo lang sa kama.

"Nabadtrip lang." aniko at pinaglaruan ang strap ng sandals ko. Ang kayang pwedeng gawin ngayon?

"By the way, pinapatawag ka sa Academia." aniya sabay laro ng apoy sa kamay niya. Nangunot naman ang noo ko.

"Bakit daw?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya at pumunta sa banyo. Napairap tuloy ako sa kawalan.

"Wala na bang ibang sinabi sa'yo?" tanong ko ulit. Hinintay ko muna siyang matapos na mag-toothbrush bago siya sumagot.

"Pupunta ka daw dun bilang instructor." aniya sabay lahad ng kamay saken. Napangisi ako.

Sabagay, miss ko na rin sina Jenica, Jeanne at ate Meciza. Pati si Sebastian. Kamusta na kaya sila?

Hindi na kasi ako pumapasok kasi marami akong gagawin bilang reyna. Hindi lang halata kasi masyado akong cool. Pero sabi ko nga, busy ako lagi.

Magkahawak-kamay kaming bumaba ni Dalliere sa hagdan. Naka-boxers lang siya tsaka naka itim na t-shirt. Ako naman ay stick lang sa suot ko kanina.

Nang makababa na kami sa hagdan ay dumiretso na kami sa kusina. Naabutan namin si Brianne doon na nagluluto kaya napatanong ako.

"Kanina ka pa?" aniko at umupo sa isang stall. Tumabi naman agad si Dalliere sa'ken.

"Oo. Naisipan ko kasing magluto para kay Last." sabi niya sabay ngisi saken. The nerve of this girl!

"Talaga lang ha," sabi ko. Panigurado namang hindi 'yan masarap. Wala 'yang experience sa pagluluto eh. Chaka yan.

"Tapos na!" masiglang sigaw niya sabay talon at palakpak pa. Kumuha siya agad ng bowl at inilagay doon ang adobong manok na niluto niya 'daw' para kay Dalliere.

In fairness, mabango ah.

"Kain ka na, Dalliere." sabi ni Brianne na inilagay ang buong bowl sa harap ni Dalliere. Ngumisi naman siya ng hilaw.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon