Third Person's POV
Nang makarating ang dalaga sa mansion suot-suot parin ang kanyang korona't gown ay agad niyang binungad ang pader.
"Aww." daing niya habang nakahawak sa noo. Epic na sana ang pag-alis niya sa koronasyon chorva eh. Na-fail pa. Kawawang reyna.
Other side: Bleh buti nga!
Nakabusangot siyang dumeretso sa kwarto. Hindi niya agad nabuksan ang pinto dahil tinutulak niya lang ito-- hindi pinihit-- kaya ang kinahantungan, nagtagal siya doon ng halos kalahating oras.
Kung paano siya nakapasok? Hmm, simple. Hindi niya parin pinihit ang door knob. Sinira niya na lamang ito. Nagalit na siya eh. Ayan tuloy, wasak, sabog, basag ang pinto. Tsk, tsk. Kawawang pader.
Tapos, pagkapasok at pagkapasok niya pa lang sa nasirang pinto ay natapilok siya agad sa mga maliliit na debris, dahilan para sumemplang at nakipag face-to-face ang mukha niya sa sahig. Mabuti nalang at hindi nasira ang mukha niya gaya ng pinto. Kawawang mukha.
Hashtag-- Puro Kawawa.
Ngiwing-ngiwi at paika-ika siyang dumeretso sa banyo para maligo. Kailangan niya kasing magpalamig. Masyadong nag-init ang ulo niya sa mga pinagsasabi ni Selene kanina, dahilan para hindi nito makontrol ang sariling kapangyarihan. Hindi na rin nakakapagtaka na paglabas pa lang niya doon sa ginanapan ng koronasyon ay makulumlim na ang langit at nangungulog-kulog pa habang kumikidlat-kidlat. Naapektohan ang panahon sa panandalian niyang galit.
Napailing si Adreanna. "Hindi ko dapat ginawa yun." bulong niya sa sarili. Ang tinutukoy niya ay ang pag-torture -- kung torture ba ang tawag doon-- kay Selene. Alam niya kasing hindi niya dapat pinatulan ang babae. Masyadong mababaw ang pang-iinsulto ni Selene sa kanya para saktan niya ito.
Napapikit siya ng mariin at isinubsob ang katawan sa mainit at mabulang tubig sa bathtub. Idadaan niya na lang sa pagligo ang mga nangyari. Bukas, kakalimutan niya ang lahat. Kailangan niyang maging responsable, dahil hindi nalang siyang yung babaeng panget na biglang gumanda, kundi siya na ngayon ang reyna ng Infinitus. At labag man sa kanyang kabalun-balunan at kasu-kasuan, gagawin niya ang lahat. Kahit na magkarayuma pa man siya.
--
Adreanna's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway, dahil syempre may pasok. Hindi kasi excempted ang pagiging reyna ko sa mga gagawin sa school.
Sayang! XD
Napahinto ako bigla sa paglalakad nang may mahinuha.
"Ba't antahimik?" tanong ko sa sarili. Wala na kasing tao sa hallway. Walang nag-uusap, walang nagkukumpulan. Katahimikan lang.
Di kaya walang pasok ngayon?
Hala bira! Anong araw na ba ngayon? Sabado? Linggo? Wala nga kaya talagang pasok? OMO!
Other side: Gaga nagtanong ka pa eh late ka na!
Ay? Kala ko walang pasok.
Other side: Mukha mo.
Maganda?
Otherside: Di ah.
Eh ano?
Other side: Impakta. Bwahahaha!
Ha-ha-ha. Dami ko tawa. Sa sobrang dami nakalimutan ko nang nakakatawa pala siya -_-
Other side: Langya -_-
Tumakbo nalang ako papunta sa building ng VSC. Medyo lumilipad na nga yung kapa ko eh. Wahaha ang cute cute palang maging wizard ang suot. Naalala ko tuloy si Harry. Crush ko pa naman siya noon.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasyAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...