Infinity 19 - Love or Hate?

5.8K 179 23
                                    

Third Person's POV

Pagkarating na pagkarating nina Dalliere at Adreanna sa gymnasium ay biglang kumalas sa yakap ang dalaga mula sa kanilang pagte-teleport, dahilan para mabigla si Dalliere.

Naguluhan ang binata sa inakto ng dalaga ngunit kalaunan ay tumawa lamang ito, inaakalang nagbibiro lamang ang nobya.

Tinangka ni Dalliere na lapitan si Adreanna ngunit nabigo siya. Tinulak lamang siya ni Yana palayo, kaya biglang naglaho ang kanyang ngiti.

"Oh come on, baby. Stop joking, please?" nakangiting pakiusap ni Dalliere ngunit sinamaan lamang siya ng tingin ng dalaga.

"Lumayo ka. Bakit ka ba lumalapit?" nakakunot-noong tanong ng dalaga. Pati siya ay nagtataka sa kanyang mga ikinikilos-- kakaiba at walang isip-isip. Na parang may nag-uutos sa kanyang gawin iyan.

"Okay, you're no longer funny, Yana." kalmadong sabi ni Dalliere pero halatang nagpipigil.

'What's happening with her?' hindi niya mapigilang tanong sa sarili. Sinubukan niya ulit na lapitan si Yana ngunit maling galaw, sapagkat nag-cast lamang ng malakas na spell ang dalaga, "Abire!" dahilan para tumilapon palayo ang binata.

Bumangga ang likod ng binata sa isang makapal na pader, at nawalan ng malay sa lakas ng impact ng pagkakabangga nito.

Ginamit ng dalaga ang pagkakataon para makalayo at makatakas. Nabigla siya sa nagawa. Umiiwas din siya sa tingin ng mga tao sa kanyang paligid. Nagpapanik ang ibang nakakita-- na halos lahat-- sa nangyari sa kanilang prinsipe.

Nagpatuloy lamang sa pagtakbo ang dalaga habang hawak-hawak ang kanyang dibdib, at pinagagalitan ang sarili gaya ng, "Bakit ko ba ginawa 'yun?" o kaya naman ay, "Anong pake ko? Kasalanan niya kasi lumalapit siya. Konsensiya lang 'tong pagkirot sa puso na 'to." hanggang sa nakarating siya sa likod ng paaralan.

Adreanna's POV

Nakarating ako sa masukal na parte ng school-- ang likorang bahagi-- sa kakatakbo mula sa titig ng mga taong nakapalibot sa amin.

Napaupo ako sa sobrang pagod. "Ba't ba hindi ko naisipang lumipad, ha?!" sigaw ko. Wala namang makakarinig, ako lang mag-isa eh.

Kaya baka okay lang.

Humiga ako sa berdeng damo, tsaka iniunat ang aking magkabilang-braso sa lupa. Pinitik ko ang aking kamay para mamukad-kad ang mga bulaklak na halatang matagal nang hindi tumutubo. Namunga ito ng dilaw at pulang bulaklak, na may berdeng dahon, at sa gitna ng mga bulaklak na ito'y ang paglabas ng mga iba't-ibang kulay ng paru-paro.

Pumikit ako --para sana umidlip-- kaso naalala ko lang 'yung si Dalliere.

"Bakit pala ako lapit nang lapit 'dun noon?" tanong ko sa sarili. Pati ako mismo ay hindi ko alam. Nagtaka nga ako kung ba't kami magkayakap kanina eh-- I mean kung bakit ko siya hinayaang yakapin ako.

Like duuuh! Hindi ako basta-basta nagpapalapit sa isang tao noh. May gusto na ako-- si Kenneth-- pero kailangan ko pang magtapat sa kanya. Ngayon ko lang din kasi narealize na mahal ko na siya. Katawa noh?

Pumikit ako ulit, kaso hindi talaga eh. Nakikita ko lang 'yung mukha nung monarch nila na si Dalliere. Parang nasaktan talaga kasi siya tapos, "OHMYGOD!" sigaw ko nang maalalang ginamitan ko pala siya ng kapangyarihan. Sayang din ang kagwapohan 'nun.

Tumayo nalang ako at nagpagpag. Wala din naman akong mapapala dito. Mas mabuti kung pumunta nalang ako ng gymnasium para marinig ang sasabihin ni Principal Spade. Crush ko din 'yun eh. Hahaha shhh lang. Magseselos si Kenneth.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon