Infinity 13 - The Act

7.2K 274 38
                                    

Adreanna's POV

"Dalliere" sabi ko nang walang emosyon. Bakit ba nandito 'tong hinayupan na'to?

"Anong kailangan mo?" tanong ko uli. This time, may diin. Ngumisi naman siya at naglakad papalapit saken.

"A-ano bang kailangan mo? Matutulog na'ko ginoo." nautal na sabi ko at ngumisi siya nang mas malaki.

Seryoso, pag narindi ako sa ngising 'yan, buburahin ko siya sa mundo!

"Stop the act." sabi niya. Napakunot naman ang kilay ko.

"What do you mean?" habang dahan-dahang umatras. Pa'no ba naman kasi, anlapit na niya! Leche.

"They can't see me here." sabi niya na ikinagulat ko. "Talaga?" sabi ko at nagtatakang tinignan si Dalliere.

"Yup. Your dorm's sealed. So yeah, they won't." bulong niya nang tuluyang makalapit saken. Sa sobrang saya, napayakap agad ako sa kanya.

"Thank god." sabi ko sa pag-itan ng yakap ko sa kanya. Tumawa naman siya nang bahagya.

"I miss you." bulong niya sa may buhok ko. Napangiti naman ako, "I missed you more." sabi ko tapos isinubsob ang mukha da dibdib niya.

Lito kayo no? Tsk. Ako ng rin eh.

Other side: *kinutusan si Adreanna* O.A masyado. Magkwento ka na.

Oo na, Oo na, magkukwento na.

Other side: Mabuti na 'yung nagkakaintindihan.

Tss.

Uulitin ko. Lito kayo 'no? Ganito nalang, para naman maka relate kayo, basahin niyo itong flashback ko. Pwede din namang 'wag na, kung ayaw niyong ma-gets.

Flashback (nanaman)

Hagulgol parin ako nang hagulgol dito sa kwarto. Ansakit ng puso ko. Dinurog masyado ni Dalliere. Ano akala niya saken? Instant coffee? Kailangan pinong-pino para puro?

Sa lahat talaga, sa kape pa? Kape lang ba ang puro sa mundo? Lengya.

"Bwisit ka talaga Dalliere ka! 'Wag kang magpapakita saking hinayupan ka! Pag nakita pa kita kokotongan talaga kita!" sigaw ko sa aking unan na kanina pa basa. Itinapon ko naman ito sagilid at kumuha ng panibago.

-Pakinggan daw natin ang side ng unan, medyo nag eemote eh-

'Heto ako-howoo, basang-basa na una~haaaan.
Walang masisilungan, walang malalapita~haaan. Sa kanyang kalungkutan. Sa kanyang ka~lungku~taha~an.

-Oh ayan, OA din pati unan. May pinagmanahan-

Grabe naman kasi 'yang si Dalliere! Lokong siyang mokong siya. Magpapakita na nga lang magpapaalam pa. Gago diba?

"Lengya ka! Pagkatapos mong iwang 'yung kwintas--"

'Yung kwintas!

At dahil may bait pa rin naman ako sa kailaliman ng ngalangala ko, bubuksan ko muna 'yon. Bago ko itapon.

Other side: Bitter

K.

'Yun lang? Walang dahasang magaganap?

Ay oo. Hoy bruha! Punta tayo sa park, tara!

Other side: Ano naman gagawin mo dun? Magliliwaliw?

Hindi. Mambabato lang ako ng ampalaya sa mga taong nagde-date. 'Wag kang mag alala, balik tayo dito agad.

Other side: Bigti na buang.

K.

"Bago kita buksan, magdasal ka muna." tukoy ko 'dun sa kwintas.

"Pag walang kwenta ang laman mong kwintas ka, humanda ka. Gagawin kitang sardinas." takot ko 'dun sa kwintas. As if naman maiintindihan ka niyan?

Pumikit ako ng mariin bago buksan.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon