Adreanna's POV
"This is your room, your highness." sabi ng babaeng nagsama sa akin sa aking kwarto na isa sa mga tagasilbi ng Hestizo.
Kakarating pa lang namin ay bumungad agad sa akin ang laki ng paaralan. Puno nang malalaking puno, magagandang kulay ng bulaklak, ang magagandang gusali ng paaralan, at syempre hindi mawawala ang mga estudyante na kung makatingin sayo'y para kang isang dagang dapat lapain ng pusa.
"Sige. Thanks," sabi ko tsaka pumasok sa loob kasama ang mga gamit na dala ko --na nalaglag bigla nang makita ko ang kabuoan ng kwarto.--
Holy shirt!
OH MY GOSH.
May Queen sized bed na kulay ginto at may nakaburdang 'QUEEN ADREANNA' sa bedsheet, dalawang walk-in closet na puno na ng gamit at damit na pwedeng masuot sa loob ng sampung taon, ang banyo na kasinlaki ng kwarto sa bahay ko noon, --nung panget pa'ko-- at mga dekorasyon na animo'y sa kwarto mismo e-he-held ang koronasyon.
Wow. Just... WOW. This is amazing, Goodness!
"Is there anything you need, your highness?" tanong ng tagasilbi na hindi ko napansing nandito pa pala.
Sasabihin ko sanang, 'wala na,' kaso biglang kumalam ang sikmura ko kaya napa-order tuloy ako sa kanya.
Kahiya.
"Uhm, siguro foods nalang." sabi ko.
"Ano pong foods maam?"
"Anong foods? Hindi mo po alam yun? Ay yun po yung kinakain na masarap. Hindi pa po ba kayo nakakakita ng pagkain? Ay sorry po talaga. Hindi ko po sinasadyang--"
"Ang ibig ko pong sabihin, mahal na reyna ay kung anong pagkain. Slow." sabi niya nang umiirap at binulong ang huling parte. Uminit naman ang dugo ko.
"Excuse me?" tanong ko nang nakataas ang kilay.
"W-wala p-po." Sabi niya. Naawa ako bigla kaya pinalampas ko na lang. Wala rin naman akong mapapala kapag nakipag-sagutan ako sa kanya.
"Hay. Kahit ano nalang. Basta may kanin at ulam. Tapos ikaw na ang bahala sa drinks." pag-iiba ko ng usapan. Parang napahinga naman siya nang maluwag.
"Salamat po-- este sige po, mahal na reyna. Masusunod po." sabi niya. Tumango naman ako tsaka siya umalis.
Humiga ako sa aking napakalambot na kama sabay pikit. Kinausap ko naman si Spade sa utak ko.
"Spade,"
"Oh?"
"Marami bang nakakaalam ng identity ko dito?"
"Oo at hindi."
"Tsk. Paligoy-ligoy."
"Oo kasi kilalang-kilala ang pangalan mo, dahil sa ikaw ang magiging reyna ng buong Infinitus, at hindi dahil as long as hindi ka magpapakilala bilang Adreanna."
"Ah. Okay."
"Geh."
"K"
Matapos nun ay pinutol ko na ang linya kay Spade. Pumikit ako nang mariin, at namalayan ang sariling natutulog nang mahimbing.
--
Nagising ako bigla nang marealize na hindi pa pala ako kumakain.
"Gutom na kayo? Oh sige, kakain tayo ha? Kakain kayo." sabi ko nang nakahawak sa tiyan. Wahaha para akong shunga dito na kinakausap ang bulateng nakikitira sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
Fantasía[ WARNING: UNEDITED. ] Adreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS H...
![[Infinity] Goddess](https://img.wattpad.com/cover/25515280-64-k190973.jpg)