Adreanna's POV
"Ako nalang ang magbibihis sa sarili ko, kaya ko na 'to." sabi ko kina Roxie, Leny at Keira. Kanina pa kasi nila ako pinipilit na sila daw dapat ang magbibihis sa'ken. Eh, ayaw ko naman.
Nakakailang kasi.
Imagine-nin n'yo nalang na hubo't-hubad kayo sa harap ng ibang tao/wizards whatsoever, tapos sila pa ang magbibihis sa'yo. Invading someone's privacy ang tawag dun 'no!
"Pero po--!"
"No buts, okay? Papasok na'ko." sabi ko sabay pasok sa dressing room nang mag-isa. Ni-lock ko na din ang pinto bago pa nila maisipang pumasok. Mahirap maisahan. Lalo na kapag pursigido talaga silang makapasok.
"What am I gonna do now?" bulong ko sa sarili habang nakapameywang. Nag-cast nalang muna ako ng full-length mirror bago sinuot ang gown.
Whoo.
Masasabi kong may taste talaga si ina sa pagpili ng lahat tungkol sa pampaganda. Maganda din kasi 'tong gown. Off-shoulders siya na abot hanggang sahig tapos medyo matingkad din ang kulay-- na babagay lang sa make-up at buhok ko.
Nang matapos na'kong magbihis ay tumingin na'ko sa salamin.
"Wow, alam kong maganda tignan ang gown pero mas maganda talaga pag merong nagsusuot." puri ko. Pero obviously, hindi sa sarili ko kundi sa gown.
Nang matapos ko nang inspeksyunin ang sarili ko ay lumabas na'ko agad. Namangha naman sila sa itsura ko. Kesyo, ang ganda-ganda raw at ang gara-gara.
Seryoso? Ako ba o ang gown ang pinupuri n'yo?
Pinaupo na muna nila ako saglit at nilagyan ng high heels ang paa ko. Nabigla pa nga ako sa ginawa nilang 'yon kasi hindi naman ako sanay na may nagsisilbi saken, pero kalaunan ay hinayaan ko nalang.
Sinuotan din nila ako ng mga jewelries like baracelet and earings. Lalagyan din dapat nila ako ng kwintas but I refused. Suot ko pa kasi ang kwintas ng tadhana at wala akong balak na hubarin 'yon. Babagay din naman siya sa aking suot kasi maganda naman ang disenyo ng kwintas.
"D'yan lang muna po kayo, mahal na reyna." anila saken bago umalis kaya naghintay ako. 10 minutes nalang bago magsimula ang ball kaya dapat ay madaliin na namin para hindi mag-over react si ina. Akalain pa 'nung kinidnap ako.
Napaisip naman ako.
Ano kaya ang itsura ni Last ngayon?
Siguro nakasuot na 'yun ng tuxedo at sobrang ayos na ng buhok. O pwede ding messy ang hairstyle niya ngayon. Tapos magpo-poker face siya kasi hindi niya kilala ang mga nakapaligid sa kanya. Tapos, tsaka lang siya ngingiti pa'g nakita n'ya na'ko. OMG sobrang haba na talaga ng hair ko.
Nag-aasume na naman ako.
"Yana," tawag saken ni Keira. Nakabalik na pala sila.
"Sa'n kayo galing?" tanong ko. May pinakita naman sila sa akin at isinuot ito sa aking ulo.
"Ito pala ang kinuha niyo." sabi ko sabay tingin sa salamin. May korona din pala ako dito sa palasyo. Akala ko wala.
"Ang ganda mo po, mahal na reyna." puri ni Roxie. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Kayo ang nagpaganda sa'ken kaya kayo dapat ang purihin." aniko tsaka tumayo. Tatlong minuto nalang kasi ang natitira bago magsimula ang ball.
"Naku! Pa'no na po 'yan, mahal na reyna? Tatlong minuto nalang. Malayo-layo pa po rito ang ball room. Ano na pong gagawi--!"
Hindi na natapos sa pagpapanik si Roxie nang takpan nina Leny at Keita ang kanyang bibig.
Napailing nalang ako sa kanila. Pumunta ako sa may pinto habang nakataas-noo, bago nilingon sila pabalik.
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasyAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...