Infinity 38 - Queen

4.9K 174 19
                                    

Adreanna's POV

Minulat ko ang mata ko at sinalubong ang sinag ng araw na pumapasok sa aking glass window. Ikinumpas ko ang kamay ko sa direksyon ng kurtina at pasimpleng ibinaba ito.

Umupo ako sa aking kama habang kinukusot ang aking mata. Inaantok pa'ko. Pero sabi daw ni ina ay dapat na maaga akong pumunta doon sa palasyo kasi doon nalang daw ako aayusan. Mas may tiwala kasi daw siya sa mga personal designer ng palasyo kaysa sa mga simpleng salon shop sa gilid-gilid.

Tamad na tumayo ako mula sa kama. Pumunta ako sa banyo sa loob ng aking kwarto at itinali ang aking buhok into a messy bun. Nagtoothrush ako atsaka naghilamos bago lumabas ng banyo at pinunasan ang aking basang mukha.

Lumabas ako ng kwarto nang naka-shorts at long sleeves lang na damit. Hindi ko parin tinatanggal ang bun sa buhok ko.

Tumungo ako sa kwarto ni Zerred at kinatok ito.

"Boy friend?" tawag ko habang kumakatok. Walang sumagot kaya kumatok pa ako para madinig niya ang katok, pero parang mantika talaga kung matulog eh kaya pumasok nalang ako. Hindi naman naka lock ang pinto niya atsaka sanay naman na siya na pumapasok ako basta sa kwarto.

Aba. Bahay ko yata 'to.

Nang makapasok ako ay nakita ko siyang nakahapa sa kama nang nakaboxers lang kaya napasapo ako ng noo ko.

Kahit kailan talaga.

"Hoy, boy friend. Bumangon ka na." aniko habang tinatapik ang mukha niya. Umungol naman siya at humarap sa kabilang side at naghilik ulit.

Haay. Ayaw mong bumangon ah...

"SUNOOOOOG! ZERRED ANG MASION NASUSUNOOOG! OH MY GOOD TULOOOONG!" sigaw ko at agad namang napabakod siya at luminga-linga.

"Asan?! Asan ang sunog?! Yana umalis na tayo!" sigaw niya sabay tayo at lalabas na sana nang pinto nang may marealize siya.

Tumingin siya sa direksyon ko tsaka nagmura. "What the fuck?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. Hindi na ako nakapag-pigil pa at inilabas na ang kanina ko pa pinipigilang tawa.

"AHAHAHAHA BOY FRIEND ANG EPIC NG MUKHA MO! HAHAHAHAHAHA!" sabi ko habang tumatawa. Lumapit naman siya saken at piningot ang tenga ko.

"Ikaw talaga~"

"A-araaaay masakit boy friend, huhuhu." Reklamo ko habang nakahawak sa kamay niyang nakahawak sa tenga ko.

"Kasalanan mo 'yan kasi dinaya mo ako." sabi niya tsaka mas hinigpitan ang pagkakahawak sa tenga ko. Napangiwi nalang ako dahil sa sakit.

"Waaah sorry na kasi. Hindi ka kasi magising agad eh. Ayan tuloy, nagkunwari nalang ako na nasusunog." sabi ko. Waaah matatanggal na ata ang tenga ko jusko.

"Bakit mo naman kasi akong ginigising, ha?" Tanong niya sabay bitaw sa tenga kong namumula na. Napahawak tuloy ako doon agad.

"Ouch." aniko kaya napa tsk lang siya at lumapit saken. Hinalikan naman niya yung tenga kong masakit tsaka hinipan.

"Masakit pa ba?" tanong niya.

"Anong akala mo saken? Syempre masakit pa! Huhuhu." reklamo ko kaya napabuntong-hininga nalang siya.

"Sorry na." aniya tsaka ako niyakap. Napairap nalang ako.

Sus kung hindi ko lang 'to bestfriend~ nakuu!

"Oo na. Tsaka pwede ba, lumayo ka na saken boy friend kasi nakakailang." aniko sabay tulak nang marahan sa kanya.

Okay lang naman saken kung nakayakap siya eh. Pero ang thought na nakaboxer lang siya habang nakayakap saken? Jusko syempre nakakailang. Babae parin naman ako ano!

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon