Adreanna's POV
"Nice to finally meet you, Yana." sabi niya sabay ngisi.
Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Kahawig ko siya pero hindi naman lahat.
May asul siyang mata, pointed din ang ilong katulad ko, mala porcelana din ang kutis niya gaya ng akin. Itim at mahaba ang kanyang buhok. Maganda siya, as in! Parang pinsan ko lang.
"Pa-paano-- b-bakit-- an--o--?!"
Umirap siya sa reaksiyon ko sabay ngisi.
S-siya nga si other side.
"Halika ngang bruha ka! Namiss kita." Sabi niya sabay hila saken para sa isang mahigpit na yakap.
Nang makabuwag na kami sa isa't-isa ay nakangisi siyang lumingon kay Dalliere.
"Ikaw ba si Last?" Tanong niya sabay lapit. Napatingin naman si Dalliere sa akin.
"Yeah..." walang ganang sabi niya.
Lumapit si other side sa kanya tsaka kumapit sa kanyang braso kaya nabigla ako. Pati si Dalliere nabigla.
"Alam mo, eksayted na talaga akong makita ka eh!" masiglang sabi niya sabay dikit pa kay Dalliere. Pinapadausdos pa talaga niya ang dibdib niya sa braso ni Dalliere! Aba!
"Ano ba ang totoo mong pangalan, other side?!" nakasimangot kong tanong bigla. Nagpipigil ako ng hininga. Parang umuusok na ang ilong ko. Jusko! sa harap ko pa talaga haharutin si Dalliere?
"Ah? Ako ba?"
Hindi, ako.
"Brianne... call me Brianne." sabi niya sabay ngiti nang matamis. Tinanggal naman ni Dalliere ang braso niya mula kay Brianne at lumapit saken. Para akong nabunutan ng tinik dun ah!
"Ano ka ba ni Yana?" seryosong tanong ni Dalliere. Nagkibit balikat naman si Brianne.
"Konsensiya? Oo konsensiya. Bumubulong lang ako sa kanya noon eh. Tapos siya, nakakasagap naman agad kaya unlike sa ibang tao na may konsensiya rin, nakakausap niya ko. Kakaiba kasi siya." sabi niya sabay kindat saken. Inirapan ko naman siya kaya napatawa siya bigla.
"Ikaw talaga yung mataray na Yana na kinakausap ko isip. Nice meeting you ulit." sabi niya sabay hagalpak ng tawa. Hindi ko nakikita ang humor dun pero hinayaan ko nalang siya.
"Eh ngayong nakalabas ka na sa katawan ko, ano nang papel mo?" tanong ko. Napaisip naman siya.
"Uhmm... kaibigan? Hahaha!" Sabi niya. Nagkatinginan naman kami ni Dalliere kaya hinawakan niya ang bewang ko at hinila papalapit sa kanya.
Sabagay... alam ni other side ang lahat ng nasa isip ko noon kasi iisa lang kami. Atsaka, mukhang harmless naman siya kasi part lang naman siya na lumabas galing saken.
Kaya sige, isasama ko nalang siya sa bahay ko.
"Sumama ka sakin sa bahay." nakangiting anyaya ko ay Brianne.
Hindi naman ako masama. Nawala lang talaga ang mood ko nung kumapit siya kay Dalliere.
Hinila ako papalayo ni Dallire at binulungan.
"Are you sure? Hindi natin siya masyadong kilala." Sabi ni Dalliere. Nginitian ko siya tsaka hinawakan sa mukha para mawala ang kanyang pag-aalala.
"Believe me Dalliere, kilalang-kilala ko siya. Siya si other side diba?" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Tumango siya pero halatang hindi pa siya convinced. At palagay ko wala na akong magagawa dun.
Kaya niyaya ko nalang sila.
"Tara na?" sabi ko sabay hawak sa mga kamay nila bago nagteleport.
♥ ♡ ♥
BINABASA MO ANG
[Infinity] Goddess
FantasiaAdreana Petridis *Hindi panget* *Kundi NAPAKAPANGIT* *Mataba* *Matatakutin* *Mahiyain* *Tatanga-tanga* *Inosente* *Clumsy* *Isip bata* *Bobo* pero *Kakaiba* Ano ang kinalaman niya kay.. CEiREBRA CALiPHÉ DREANN DIAMANTOPOULOS HRISOVERHGI PETRIDIS - ...