Infinity 7 - Annual Training/Unexpected [1]

13.2K 374 13
                                    

AN:

Meciza Joy Rio Above image.

**

Adreanna's POV

"Drean.. Drean, halika." tila boses ng babae ang aking naririnig. Isang napakagandang boses na animoy kanta sa pandinig. Parang pamilyar lamang ito kung madidinig.

Tumingin ako sa paligid. Walang tao. Maliwanag pero puro usok. Manipis na usok na tila binabalot ang buong lugar. Sa di kalayuan, may pigura ng tila matangkad na babaeng mala dyosa ang pagmumukha pero malabo. Kasingtangkad at kasimputi ko ang babaeng ito. Nakasuot siya ng tila armor kung tatawagin.

Hindi ko maaninag ang kanyang buong pagmumukha. Pero wari ko'y isa siyang napakagandang dalaga. Lumakad ako papunta sa kanya pero laking gulat ko ng tila may naapakan ankong matulis na bagay. Hindi ko man lang ito napansin kanina kaya't naapakan ko nalang ito bigla-biga. Gusto kong gumalaw pero tila naging paralisado ang lahat.

Tinignan ko ang paligid. Naging itim ang maliwanag at kulay puting usok kanina na bumabalot sa buong lugar. Nakita ko ulit ang babae. Palayo siya nang palayo. Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha pero ang lungkot sa kanyang mata'y hindi maipagkakaila. Gusto ko siyang habulin pero bakit parang may pumipigil? Dahil ba ito doon sa matulis na bagay?

Ayokong mag isa. "Ayokong mag isa. Ayoko- ayoko -ayo-"

"Yana! Yana gumising ka!" isang malakas na yugyog ang aking naramdaman at nagpagising sa akin sa katotohanan. 'Panaginip lang 'yun?'

"Jeez! Hey Yana binabangunot ka! Okay ka lang ba ?" Tanong ni ate Meciza. Tumango ako. Halata sa ayos niya na paalis na siya. 'San ba punta niya?

"Saan ka pupunta-"

"Ano ba late na tayo! Halika na-Hindi ka pa bihis ate Yana?! Ano ba Annual Training ngayon hindi dapat tayo malate!" sigaw ni Jennica na halos ikalabas ng aking napakagandang eardrums. -_-

Tumayo ako para kunin ang tuwalya at pumaharurot sa banyo. Halatang binangungot nga ako kasi punong puno ako ng pawis. Hindi ko nalang ito pinansin at tumakbo. "Mauna na kayo!" sigaw ko sabay on ng shower. Nakalimutan kong ngayon na pala ang annual training. Naku! Kung hindi talaga ako ginising ni ate Meciza ... basta! Nakakafrustrate 'yung panaginip ko. Mabuti nalang nandoon siya.

Lumabas na ako ng banyo matapos maligo. Ang bango ng liquid soap nila infairness. Tamang-tamang paborito ko ang flavor ng amoy ng shampoo. Blueberry scent ang liquid soap at black cherry mint naman ang shapoo. Cool no? Hihi :)

Kukuha na sana ako ng damit sa closet nang may naaninag ako sa sofa. Curiosity kills kaya nilapitan ko ito.

Nang makalapit ako, nakita ko ang pamilyar na damit na pinadala noong isang araw dito sa dorm. Gaya noong una, may sulat na naman.

Yana,

Wear this everyday excluding Wednesdays, Saturdays and Sundays. This is going to be your uniform for the whole school year. This is going to be different from the others but not all of them. We're going to have the same style. I'll meet you at the school gate.

Dalliere.

Hmm.. "Masubukan nga." pumasok ako sa walk in closet at nagbihis. Pansin kong iba ito sa suot nina Ate Meciza at Jenica. Hindi ko rin nakita kanina si Jeanne. Nasaan na kaya siya?

Paglabas ko ng walk in closet, hinanap ko agad ang salamin. Pumunta ako 'dun sa cabinet kasi naalala ko na may salamin 'dun. Tinignan ko ang sarili ko suot ang isang longsleeved na blue uniform, isang skirt na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Feeling ko may kulang sa school uniform ko. Mahagilap nga.

[Infinity] GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon