Chapter 2 (Freedom)

3K 69 5
                                    

Chapter 2

Astherielle's POV

"Tama lang, Asthe, ang ginawa mong ito! Tamang-tama lang kasi sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung papaano kita bubuhayin! Araw-araw kong pasakit kung ano ang gagawin ko sa iyo! Mas maganda nga talagang umalis ka na para sarili ko na lang ang iisipin ko! Nakapapagod nang maging ina mo! Hindi ko lang masabi sa iyo dahil kahit papaano may pakinabang ka rin sa akin! Sa maliliit na mga bagay, may pakinabang ka! Pero kaya ko kahit na wala ka! Mas kaya kong mabuhay nang mag-isa kaysa ang mabuhay na iniiisip kang lagi!" Binalingan nito si tita Mavic sabay pasinghal na sinabi, "Sige na, Mavic, dalhin mo na iyan at umalis na kayo rito sa pamamahay ko!"

Dumating na ang nakatakdang araw ng paglabas ko rito sa rehabilitation hospital matapos ang dalawang taong pagpapagamot pero hindi ko inakalang maririnig ko pa rin mula sa balintataw ko ang mga huling sinabi ni Mama na mga iyon. Para akong pinipiga na buhay habang matapang at lumuluha nitong sinasabi ang mga iyon. Alam kong nasaktan ko siya pero alam kong natulungan ko rin. Hindi na niya ako aalalahanin pa...

Pinahid ko ang mga luha at tumingin na lang sa labas ng bintana. May pilit na ngiting kumurba sa mga labi ko. Ang bilis ng pagpapapalit-palit ng araw at ng gabi. Hindi ko namalayan na malapit na akong lumaya sa facility na ito.

Sa dalawang taon kong pananatili rito, kinalimutan ko ang mga privileges sa labas. Nag-focus ako sa pagpapagaling. Malaki ang naging tulong ang psychotherapy sa akin. It is also called "talk therapy". Tinulungan ako ng mga doctors dito na mahanap ko ang person identity ko. Tinulungan at itinuro nang paunti-unti kung papaano ko babaguhin ang troubling emotional, thoughts and emotion ko. Mababait at mga positibo ang mga staffs dito kaya naman maganda ang balik sa mga kagaya kong pasyente rito.

After ng session ko, bumabalik ako kaagad sa silid ko para magpahinga. Nakatulong sa akin na wala akong nakikita at nakasasalamuha bukod sa mga staffs dito. I proved that my decision to follow Tita Mavic was right. I was put in a place where I could heal safely.

Isang beses sa isang buwan lang niya ako nabibisita rito dahil iyon ang policy rito sa ospital. Kaya naman kung bumibisita ito, lubus-lubos kung magpasalubong.

Nakausap ko ito kagabi, kino-congratulate ako para nga sa araw na ito. Mamaya ay darating na ito para sunduin ako. Yes, titira na ako kasama ito sa bahay niya sa Placio Carmen sa Rizal. Six months ago ay lumipad na ng boyfriend nito sa Netherlands. Hindi pa ito handang mag-abroad kaya nagpaiwan muna pansamantala. Pero nasabi rin naman niya sa akin ang plano nitong pagsunod sa nobyo soon.

Kahit papaano ay napawi ang lungkot ko nang maalala ko ito. Lagi naman akong nalulungkot at naiiyak tuwing naaalala ko si mama, eh. Sana dalawa kaming narito ngayon... Sabay sana kaming nagpagaling at sabay ring lalabas kapag nagkataong pumayag ito noon sa panghihimok kong sumama sa akin dito. Imbis na ilaban niya ako mula kay tita Mavic, pinagduldulan pa niya ako rito.

Alam ko namang iyon ang mangyayari pero bakit tuwing naiisip ko, nanghihinayang at nasasaktan pa rin ako? Siya pa rin ang ina ko ano man ang mangyari. Mahal na mahal ko pa rin siya at umaasang gagaling pa siya.

Tinuyo ko ang mga pisngi at inayos na ang sarili. Sa ngayon, ang paghandaan ang magiging buhay ko sa labas ang una kong dapat unahin.

"Wala pa ang tita mo, Asthe?"

Lumingon ako nang marinig ko ang tinig ni Doctor Vic, a fifty-year-old psychiatric doctor and one of the senior doctors here in the hospital. Isa ito sa mga naging doctors ko rin dito.

"Hello po, doc'... Good morning po... Oho, wala pa po siya. Baka po on the way na... Siya rin po kasi ang magda-drive ng sasakyan niya, eh..."

Wala akong cellphone kaya hindi ko ito ma-contact. Bawal gumamit ng ganoon dito. Sa landline ng hospital ito tumatawag kaya nakauusap ko dati.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon