Chapter 21 (Fantasy)

1.7K 45 1
                                    

Chapter 21

Astherielle's POV

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko rito. Mahina nang sabihin niya iyon, pero sa lala ng dagundong ng puso ko, nagguguni-guni akong umalingawngaw ang sinabi niya sa club na 'to! Tila nag-reflect din sa mukha nito ang sinabi, seryoso siya, malumanay at naka-direct ang pares ng mata nito sa akin.

"Halos araw-araw naman po tayong nagkikita sa klase ninyo... I mean, almost sa mga school days..."

Ayaw ko na sanang patulan ito, pero mas matapang itong bibig ko kaysa sa isip ko ngayon, eh. Bitak na ngiti ang alam kong kumurba sa mga labi ko. Humigpit ang pagkakalapat ng mga kamay ko sa tumbler, tila ba ang laman na nito ang hawak-hawak ko ngayon dahil sa lamig ng mga kamay ko.

Wala siyang idea kung ano ang pinagdaanan ko sa nakalipas na mga linggo dahil sa kaniya. Alam ko at nararamdaman kong siya ang dahilan kaya parang may nabubuhay sa loob ko na hindi na bago... Iyon ang anino ng lumang halimaw na iyon.

Natakot ako kaya napa-absent ako ng tatlong araw. Sa mga araw na iyon, nagkulong at nag-research ako tungkol sa sakit na dating mayroon ako. Although alam ko na iyong iba sa mga iyon, inulit ko pa rin para mabalikan ko at mai-evaluate ko ang sarili. It's just a little scary and disappointing because there are signs and symptoms that seem to be going to other ones I've felt in the past. Yes, those are the mildest ones but that's where it all starts, isn't it? That's where I started...

Grabe... Wala pang isang buwan simula nang makalabas ako sa facility pagkatapos ito ang bubungad sa akin... Pero nagtitiwala naman ako at lumalaban. Normal lang siguro ito. Kaya ko naman na sigurong labanan kung sakaling balikan ako ng sakit na iyon...

Wala pa man akong nararamdamang mas matindi pa sa mga iyon, sinimulan ko na ang pag-iingat ko through wearing eyeglasses, secretly taking something na may kinalaman sa pagpapakalma at pag-iwas sa maraming tao. Ayaw kong mag-experiment para lang magkaroon ulit ng pagsisisihan. Hindi ko tinangkang tumingin at makipag-usap sa ibang lalaki. Exception na lang yata ang professor na ito dahil lagi naman kaming trip ng tadhana na pagtagpuin. Sino ang mag-aakalang magkikita uli kami rito?

"Yeah... It's refreshing to see your eyes again..."

Dahan-dahan kong inilipat ang mga mata sa takip ng tumbler ko. It is refreshing din na makita siya nang malinaw, walang makulimlim na barikada na naghihiwalay sa mga mata ko rito. Itim na itim ang glasses ng mga shades na ginagamit ko. Nag-try din akong magsuot ng may grado. Effective naman dahil normal at malinaw ang mga mata ko, lumalabo ang pagtingin ko sa mga tao at mga bagay sa paligid kapag nakasuot ako niyon. Ang problema ko lang, nagsa-suffer ako ng pagkahilo kaya inihinto ko muna pansamantala.

"Long time no see na rin kasi madalas ka nang nakasuot ng shades... You do it without asking permission if you can wear that inside my class..."

Nahihiya akong napabuntong-hininga. Lahat ng mga teachers ko, nahingan ko na ng permiso tungkol sa pagsusuot ko ng gano'n. Ito lang ang bukod-tanging hindi ko nalapitan para hingan dahil... dahil siya ang pinakadahilan kaya nagsusuot ko niyon.

Pero bakit gano'n? Bakit sa taong ito kung saan nakadama ako ng saya at seguridad ko pa iiiwas ang sarili ko? Bakit may kapalit na mas malala iyong mga naramdaman kong positibo rito? At bakit parang hindi ako masaya sa ginagawa kong pag-iwas dito?

"Ito na naman po ako sa walang-katapusan kong paghingi ng paumanhin sa inyo, sir..." tawang mahina ko. "Sorry ho kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo... Total ay nabanggit na rin ninyo, ngayon na lang ako hihingi ng permiso sa inyo... Allowed po ba akong magsuot niyon sa klase ninyo, prof?"

Iniharap ko ang sarili rito at ngumiti.

Pinayagan ako ng mga teachers kong iba dahil nabanggit kong introvert ako at mas makapagko-concentrate sa pag-aaral kapag nakasuot ako no'n.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon