Chapter 22
Astherielle's POV
Hindi man lang nakalagpas ang tinig nito sa mga tainga ko kahit pa nakatakip na ang mga ito. Pumungay ang mga mata ko at napatingala sa mga magaganda at naghihintay nitong mga mata. Ibang-iba pala talaga ang mga ito sa malinaw na paningin, walang eyeglasses, shades o kahit na anong pantakip o pampa-blur ng mga mata.
Kahit na nahuhumaling na ako rito, nahihilo sa pinaglalabanang pakiramdam, pinilit ko pa ring buksan ang bag at pinagkakapa ang posas at tali sa pocket na pinaglagyan ko sa mga ito.
"So, this is you again without shades?" Ngumiti ito nang malumanay, ngiting madalas naman niyang ipakita sa lahat. Pero itong katawan ko, inaangkin niyang lahat iyon!
"Astherielle, hindi iyon para sa iyo!" sigaw ko sa isip.
"S-Sorry po, Sir... Sorry!" Nang sa wakas ay makapa ko ang mga hinahanap ko ay dali-dali kong inilabas. "S-Sir... alam kong sobrang brutal nitong ipagagawa ko pero puwede bang... i-itali ninyo ako o iposas na sa kung saan? Huwag po kayong mag-alala-"
Naputol ang sinasabi ko nang lumuhod ito at hawakan ako sa mga kamay. Tahimik akong napamura sa isip. Nalipat sa mga wrist ko ang mga kamay nito at nagsimula nang udyukin ako patayo.
"Ang iniuutos mo ay hindi ko magagawa, Astherielle..."
"Wala akong shades or e-eyeglasses," tila bata kong silakbot.
"It's okay... There's no sunlight outside. Madilim na kaya hindi mo na kailangang isuot iyon..."
"Hindi mo po naiintindihan, Sir..."
"Ang alin? Saan ang hindi ko maintindihan sa iyo?"
Umiling ako at naiiyak na nag-iwas ng tingin. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin makalipas ang sandali. Pero nagulat ako nang kusang kumapit ang mga kamay ko sa kamay nito at humaplos sa paraang hindi ko rin in-expect na magagawa ko sa isang lalaki!
"Iba ang klase ng haplos mong ito, Astherielle... Iba rin ang nakikita kong alab sa mga mata mo kahit pa narito tayo sa dilim..."
Unti-unti nang sinasakop ng baliw at uhaw kong ulirat ang pagkatao ko. Hindi ko na kayang magpigil...
"Akala mo siguro... hindi ko napapansin ang pagtingin-tingin mo sa akin... But let me tell you, even if you have ornaments in your eyes, I know when you're looking at me... I know when your attention is on me... I feel you act differently every time I'm there... So I'm going to ask you now... Do you want something from me?"
Pinigilan ko ang paghinga. Ang nararamdaman ko ay sumasabog na at malapit nang tapusin ako.
"Bago man lang kita maialis dito, tanong ko lang, do you... like me, Miss Zuluetevo?"
Nanlaki ang mga mata ko at namungay pagkatapos. Ramdam na ramdam ko na ibang katauhan na ang nasa katawan ko ngayon. Ito na iyong anino ko na pinakakinatatakutan ko!
"Sir.. "
"Oh..." marahan nitong ungol at ngumisi sa akin. "Oh... I can't believe this..." mangha nitong patuloy nang ikapit ko ang isang kamay sa batok nito. Iniuudyok kong kargahin niya ako at dalhin sa kahit saan.
"Hey! Hey! Hey! I think you're too fast, Miss... So it's true... You like me..."
Muli akong napapikit. Hindi ko na lang pinansin iyon bagkus ay ninamnam na lang ang init na nagmumula sa katawan nito.
"M-May sakit ako, Sir..." nagawa kong sambitin kahit wala na ako sa katinuan ko. "A-Alam ko na... hindi naman tayo close... Professor lang kita... Pero aamin ko ito sa inyo... May sakit ako... I have a... mental sexual disorder called nympo-"
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...