Chapter 42 (Died)

1.4K 44 11
                                    

Chapter 42

Astherielle's POV

"I don't care how many times you push me away, Sheids. I will still come back to you and beg you to take me back!"

"No. Hindi na ako babalik sa 'yo. Leave and don't come back here. Sige na!" nauubusan ng pasensiya niyang bulyaw.

Muli akong umiling. "Hindi ako aalis dito."

I swallowed hard as I watched Sadie walk out of the door. Her face was tense, clearly showing her disapproval of what she saw between Sheids and me. Hindi man lang siya nagpalit muna bago lumabas. Talagang gusto niyang iyabang sa 'kin na may nangyari sa kanila ni Sheids kanina.

Ayaw kong makita ako ng iba sa ayos kong ito. Kahit kailan hindi ako nagmakaawa kay Sheids. He has never hurt me. And I have no other choice but to continue. To beg at Sheids' feet right in front of his own woman.

"Bumalik ka na sa akin, please... Kalilimutan ko lahat. Tatanggapin ko lahat basta bumalik ka lang..." I looked up at him, almost dying from crying. "Come back, Sheids... I know you love me so much..." Humawak ako sa mga binti niya, hanggang sa maging yakap na 'yon. "Please."

Inilalayo niya ang mga ito pero hinihila ko pabalik.

"Hindi ko kaya, Sheids. Hindi ko kaya..."

"Ah!"

What I heard was Sadie's scream, as if she was furious with what I was doing.

"Babe, don't come any closer. Go inside before you get soaked in the rain and get sick. Come on. I'll take care of this," pigil sa kaniya ni Sheids nang balingan niya ito.

Muli akong namanhid sa pagtawag niya rito ng 'Babe'. Pero kinapalan ko ang mukha ko, hindi ako bumitiw kay Sheids. I chose to channel my heartache through tears. I pressed my face against one of his legs and clung to him, my tear-stained eyes kissing that spot.

"I love you so m-much... I love you..." humahahulgol kong tangis na parang isang basahan sa paanan niya.

"Pero, Sheids, kailan mo pa mapaaalis iyan? Gabi na at... umuulan. Magpatawag ka na lang ng pulis para maialis na siya rito! Nanggugulo siya! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko siya nakikitang dinadakip ng mga pulis!"

Si Sadie ulit 'yon sa mas pinatinding galit at taray nito.

"Go home, Miss Zuluetevo! Dahil kung hindi... mapipilitan akong tumawag ng mga pulis."

"I'm now home, Sheids... You are my home."

"Huwag mo na akong pahirapan. At huwag mo na rin akong galitin pa. You're so stubborn!"

"Okay! Ayaw niya'ng umalis? Ako na mismo ang tatawag ng pulis," si Sadie.

Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagtakbo nito pabalik ng rest house.

Naiwan kami rito sa dilim ni Sheids na nauulanan. I savored the feeling of his skin against mine. I didn't want to leave, fearing that he might slip away.

"Kung ayaw mong makuha sa magandang usapan, I'm sorry but I have to do this."

He forcefully removed my hands from his legs and stood me up abruptly. As I let go and he stood me up, he caught me by the wrist, dragging me towards the gate and pulling me out of the compound. Hinihila ko pabalik ang sarili pero hindi ko kaya ang lakas niya.

"Sheids, please! Let me stay. Kahit saglit pa. Gusto pa kitang makita, mahawakan, makausap at mahalin. P-Please," makaawa ko habang nagpupumiglas pa rin sa mga kamay niya.

"But I don't want you to do those things to me anymore! I'm tired! Please, give me a break! Pagpahingahin mo naman ako!"

Umilaw ang bulb sa my post. Malapit ito mula sa kinaroroonan namin kaya malinaw ko siyang napagmamasdan ngayon.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon