Chapter 16 (Second Kiss)

1.8K 51 3
                                    

Chapter 16

Astherielle's POV

Parang biglang naligaw itong usapan namin. Nag-aalok na naman ito na ihahatid ako. Nagmukha ba akong natatakot na bumubungad kanina rito? Hindi naman sa tingin ko. Tuwing nadadako ako sa madilim na parte papunta rito kanina, minememorya ko na sa isip iyong daan hanggang sa maliwanag na patutunguhan ko. Pinipikit ko ang mga mata habang ginagawa ko iyon.

Dahil nga sa kagustuhan kong mahabol siya, eh, kinalimutan ko na lahat ng mga maligno na nasa dilim na nasa isip ko.

"Mas natatakot nga po ako sa inaalok nila sa akin kanina, eh... Akala po siguro ninyo... nabuang na naman ako sa madilim na paligid. Ahe!" nagmamayabang kong buga. "Na-carry ko naman po... Sa totoo lang, hindi ko nga masyadong naisip iyong takot ko, eh... Iniisip ko iyong... mga sinabi nila sa akin kanina ng mga teachers, dean and staffs sa department namin..."

"Hmmm... Maaga ka yata nilang pinaalis..."

"Totoo po... Alam po nilang may sundo ako... Saka gabi na rin po... Ang sabi, kauusapin na lang daw nila ako ulit bukas or any time... Kaso..." nag-aalangan akong napatitig dito.

"Kaso?" ulit naman nito.

Paano ko ba sasagutin iyon kung hanggang ngayon wala pa ring nababago sa distansiya nito mula sa akin? His one hand is still holding and supporting my hair. Nakahawi pa rin ito mula sa leeg at isang tainga ko.

"Why are you... still holding my h-hair, sir?"

I gave him a hesitant smile. I've been controlling my movements so that we don't touch too much and that the heat from him doesn't trigger me again.

Teka, hindi ba niya alam itong ginagawa niya? Hindi ko kayang ilugar ang nararamdaman tuwing nagkakalapit kami nang ganito kalapit.

"I also don't know..." he responded in a monotone voice that was low but deep, like his eyes. Similar to the looks he is giving me. Naramdaman kong gumalaw ang kamay niya roon. "Ayaw mo bang ginaganito ka?"

Gusto... Gusto ko iyong init at pakiramdam na nararamdaman ko sa balat niya at tuwing titingnan ko siya sa mga mata niya ngayon. Nararamdaman ko iyon nakalapat man ang balat nito sa akin o hindi. I can sense his apparent kind concern for me.

"Obviously yes..."

Okay, I lied. Puwede rin naman kasing mali ako, hindi ba? Paano kung matulad ako kay mama? Hindi pinanindigan kasi may mga issues sa pagkatao nito. Pati nga sarili kong ama iniwan siya, eh.

Siguro hahayaan ko na lang na magpatangay ako kasi tao lang din ako, may pakiramdam, pero ang maniwala at magtiwala, hindi siguro. Ngayon pa lang, pinapahamak na ako ng emosyon ko pagdating sa lalaking ito. Hindi ko alam kung ilang lalaki pa ang magpaparamdam sa 'kin nito. Natatakot akong baka dumating iyong araw na mag-expired iyong mga panahon na ini-invest ko sa loob ng facility. Natatakot pa rin ako kahit ilang doctors na ang nagsabi sa akin na magiging maayos din ang buhay ko rito sa labas.

Ang ikinakainis ko lang, ganito na nga iyong nangyayari sa akin, may gana pa akong balik-balikan sa isip iyong nakalipas ko. Nandoon kasi si Mama, eh... Doon ko lang naman siya maaaring mabalikan at makasama...

"Then from now on, fix your hair... Mayroon man ako o wala, ayusin mo kahit buhok mo lang."

Dahan-dahan kong inihinga ang kaba at excitement sa dibdib bago tumango rito nang marahan.

"Naku-curious na rin ako kung bakit ang laki ng problema mo sa magulong buhok... Hmmm... Nagtatrabaho ka ba sa parlor dati? Hairstylist ka ba?"

Iyong malalim na emosyong nakapatong sa ibabaw ng mga mata niya ay dahan-dahang naglaho sa pagtawa nito at pagngiti ng mga mata niya.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon