Chapter 23 (Goddess)

1.9K 51 0
                                    

Chapter 23

Sheids' POV

Two hours din kaming magkausap ni Toti. Mas minadali ko ang oras nang makitang umalis na si Miss Zuluetevo ng club. Hindi na siya bumalik after niyon kaya in-assumed kong nauna na itong magpahinga. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin, mapa-student man o staff. Maliban na lang kay Miss Paula na mukha namang may-edad na at may asawa at mga anak.

Gusto ko itong lapitan at tanungin tungkol kay Miss Zuluetevo, tatanungin kung saan ko ito makikita. Kung si Toti naman ang pagtatanungan ko, hindi na ako titigilan niyon na intrigahin.

Kahit time na para magpahinga ng mga naggagandahang candidates, hindi pa rin umaalis ang mga ito hangga't hindi ako lumalabas. Nakapapanibagong may nag-iisang babaeng umalis, tila walang pakialam kahit sino pa ako. At si Miss Zuluetevo na naman iyon. She was the only woman I wanted to show me even the slightest interest. But apart from the strange mannerisms I noticed and the way she looked at me then, nothing followed. How can I not notice her in that situation?

"Hmmm... Magkita na lang tayo sa hotel mamaya? Sa hotel ka ba naka-book?"

"Yeah," sagot ko naman kay Toti after kong magpaalam na rito.

"Oh... Nice... Kami rin naman na mga trainors. The girls naman, eh, sa mga private cottages na..."

"Hmmm..."

Slightly ay nagka-idea na ako kung saan tumutuloy si Miss Zuluetevo ngayon. But saan banda sa mga cottages na nandidito? The cottages are scattered throughout the resort.

"I see... Sige. See you na lang mamaya."

"Okay. Tatawag na lang ako sa iyo mamaya. Ngayon pa lang kasi kami magkaka-bonding nang maayos ni Miss Paula, eh... Nang makarating kami rito kanina, iyong mga candidates agad ang trinabaho niya..."

"Well, it's okay... Mas okay na rin para maaga ang pahinga."

Kaya naman pala nauna nang magpalaam si Miss Zuluetevo dahil siguradong pagod na ito sa kaeensayo kanina. Sayang lang dahil hindi ko na ito masyadong napanood.

"Oo nga, eh... See you na lang, ha..."

Bumitiw na ito sa pagkakakapit sa braso ko. Ganito talaga siya kadikit sa akin. It's not a problem because that's the only boundary he has from me. Hinatid niya ako hanggang dito sa labas ng club.

Pagkakaway ko nga rito ay pumasok na ito sa loob ng club. Pero malakas na bangga sa likod ko ang muling nagpaharap sa akin. I frowned when I saw the woman who did that behind me. She's familiar to me. Ah... One of Elle's co-candidates. Ito iyong todo kung magpakita ng gilas sa pagrampa kanina with matching tingin at ngiti sa akin. She's pretty and hot pero mas matutuwa siguro ako kung si Miss Zuluetevo ang gagawa no'n sa akin. Ang kaso, noong ito ang rumarampa kanina, ni isang ligaw na tingin ay wala akong nakuha.

"Halla! Sorry po, sir... Nasaktan po ba kayo? Sorry po talaga. Nagmamadali po kasi ako, eh..."

Ngumiti ako rito at inalis ang pagkakahawak ko sa likod. "No... Okay lang ako... Hindi naman masakit. Nagulat lang ako..."

Taranta habang nakangiti nitong binasa ang ibabang labi. "Ang bait naman po ninyo... Masaya po akong makausap kayo for the very first time..."

"Hmmm... Same to you... Paalis ka na ba?"

Tulala nitong itinango ang baba habang ang mga mata nito ay nakangiting wagas sa akin.

"Opo, sir... Pauwi na po sa cottage namin..."

"Ikaw at ng mga co-contestants mo?"

"Yes po, sir... Doon po, oh! Doon pa po sa bandang dulo..." Itinuro nga nito ang pinakadulo nang parte ng beach and resort na ito. "Doon po kami lahat nag-i-stay ngayon..."

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon