Epilogue

1.9K 56 7
                                    

Epilogue

Astherielle's POV

Hindi ko pinlano na unang banggitin ang kinalaman ni Sheids sa libro ko. Pero sa daming nangyari at mga nalaman ko sa nakalipas na buwan na hindi ko siya kasama, nagbalik ang alaala ko sa kaniya. My emotions are overwhelming as I find myself here at the University where we first met and got to know each other...

Nadaanan ko ang billiard shop sa gate one na madalas niyang pagtambayan noon. Ang mga daan papunta sa condo niya, nakita ko ang sarili at siya na naglalakad sa mga iyon kanina. The nostalgic feeling I used to have every time I stepped foot into the University, it enveloped me once again today as I caught a glimpse of Polaris. Buhay na buhay pa rin ang mga puno sa forest park malapit Terefania Building, in that place where we first met and collided. Malinis, pantay at ma-berde pa rin ang mga damo sa University Field kung saan naganap ang first dance namin in public.

Kahit saan ako tumingin, siya ang naaalala ko...

Sheids Noah is Polaris University...

Quezon City is all about him to me...

Siya pinakauna kong naging totoong kaibigan dito sa Polaris University.

He was my one and only lover and best friend back then...

I miss him so much...

He loved this school so much, which is why it was incredibly painful and shocking for me to learn from my former classmates that Sheids was imprisoned because of me...

Siguro kung hindi ko lang nalaman, hindi ako ganito kaemosyonal sa loob ko ngayon.

Ang sabi ko sa kaniya noon, ipakita at basahin niya ang letter ko sa mga ito. Ang sabi ko tawagin niya ako kapag nagkaproblema. But no, he faced the case and took responsibility for everything.

Ang hirap tumayo at magsalita sa entabladong ito, sa harapan nang hindi mahulugang karayom na mga tao, habang naiisip ko lahat ng mga pinagdaanan ni Sheids noon. Natanggalan siya ng lisensiya sa pagtuturo. Nawala sa kaniya ang passion niya, ang kasiyahan niya. He ended up looking like a bad person at this university. He was imprisoned for several months.

Bakit hindi niya sinabi sa akin ang mga iyon?

Bakit hindi niya inisa-isa sa akin nang magkita kami ulit ang tungkol sa mga ginawa ni Tita sa kaniya?

"Professor Sheids Noah Farias Fawzi is innocent..."

There are still so many things I want to say before this, but I no longer want to beat around the bush. This is the main point I want to make on this day. Minahal ko siya...

Alam ko hindi inaasahan ang nangyari sa amin sa Terefania Building pero alam ko sa puso ko na ginusto ko ang nangyari. Bukal sa loob ko iyon dahil kahit pa nang makainom na ako ng gamot, ako pa mismo ang lumapit sa kaniya para angkinin ako. Normal man ako o inaatake, nagpapagalaw at nagpapahawak ako sa kaniya. It is crystal clear that he never forced me.

"I'm s-sorry..." Bumibigay na ako pero pilit ko pa ring itinitindig ang sarili. "W-Wala siyang kasalanan... Wala... He was supposed to resign earlier, but because of me, he decided to stay at this university. He wanted to watch over me because he knew about my mental illness..."

Yeah, alam ko. Tuwing nasa condo niya ako madalas kong pakialaman ang mga gamit niya. Sa drawer ng table niya, I saw a resignation letter enclosed in an envelope. Even before anything happened between us, he had already planned to resign. That's what the date written on the letter indicated. Dalawa iyon, ang una ay hindi ko alam at ang pangalawa, iyong nasabi niya sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit hindi siya natuloy sa una.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon