Chapter 30 (Final base)

1.6K 42 0
                                    

Chapter 30

Astherielle's POV

"No... But w-what? Hindi m-mo puwedeng gawin ito sa akin. I didn't dump you for t-this..." nanginginig ko nang iyak habang hirap na hirap na tinitiis iyong kumarambola nang mga emosyon sa dibdib ko.

Tila may bilog at mabigat na bagay na nakabaon sa ibaba ng puso ko, naninikip at lumuluwag ito ngayon nang salitan. Hindi ko alam kung ano iyon pero sobrang naaapektuhan nito ang paghinga at pag-iisip ko. Iyong mainit na likidong bumukol sa ibaba ng mga mata ko, kaunti na lang ay makakawala na roon. Emosyonal ako, masaya, kinakabahan, kinikiliti, nag-iinit at nalilito. Kung saan ko ba dapat unang ibaling ang atensiyon ay parang ikababaliw ko na dahil hindi ko alam. May nanalo sa loob ko at mayroon ding nagpapatalo. May malakas at may mahina.

"Kailangan ko na ang gamot ko... Please... Help me na lang to find it... Please..." umiiyak ko nang ipinakiusap iyon habang may natitira pa akong panahon.

Para na akong hihimatayin dahil sa pagpipilit kong labanan iyong mas pinabagsik na urge sa katawan ko.

Bakit ganito, kahit ano ang gawin ko ay parang mas malakas pa rin ito kaysa sa akin?

"Dump me? I didn't even feel being dump by you, baby... Hangga't hindi ko sinusukuan ang isang babae, I will never feel dump..."

"P-Pero sinabi mo nang magkasama tayo sa sasakyan mo the last time n-na hindi ako iyong... hinahanap mo na-"

"Kaya ka ba naluluha noon dahil nasaktan ka sa sinabi ko?"

Ay shuta! Pati ba naman iyon ay alam niya?! Hindi ako makapaniwala kaya natitigal na lang ako.

Hinihingal kong ikinapit ang mga kamay sa damit nito, sa bandang dibdib. Bukas ang ilang mga botones ng inner long sleeve nito dahil pumasok ang ilan sa mga daliri ko sa loob niya. Nadamang muli ng balat ko ang init at tigas ng parteng iyon ng katawan niya. Sinisingil ako hindi lang ng mga alaala ko sa nangyari sa amin sa resort kundi pati ito mismo, siya na tila handang ibigay sa akin ang lahat ng kaniya sa gabing ito. Iyon ang pagkakaintindi ko sa titig niya sa akin ngayon.

"H-Hindi..."

"Okay. Paniniwalaan kita kahit hindi naman talaga, if it will make you feel better..."

I would never feel better about it dahil alam kong pinagbibigyan niya lang ako.

Gusto kong ihagulgol ang kusang paggalaw ng mga kamay ko paroon. Kumpirmasyon iyon na talagang mababaliw na ako mayamaya lang.

Pahabol kong hinabol ang paghinga. "I did push away... You knew that... At para iyon dito... Nag-usap na tayo. Tapos na nating pag-usapan ito... Now leave me a-alone..."

Oo, nahirapan akong tiisin siya. Nahirapan akong itawid ang bawat araw na dumaan na iniiwasan siya. I did that while I was still able to push people away from me. I don't want to enter their world and even more so I don't want them to enter mine.

Kahit ayaw ng puso ko, ginawa kong lumayo rito, ginawa kong ipagtabuyan siya. Bakit? Dahil alam kong kapag sobrang na-attach na 'ko sa kaniya, hindi ko na rin ito mapipigilan na lumapit nang lumapit sa akin. Sasalubungin ko ito nang kusa kapag nalugmok na ako sa sakit kong ito. And that's not my logic. I want to fence my own world while I'm out here. Umaasa akong kapag hindi ako nagpakita ng interest sa kahit na sino, sila na rin mismo ang lalayo at mambabalewala sa akin. But this jerk, why is he here? Bakit sa ilang mga araw na nagdaan, nariyan pa rin siya para tingnan-tingnan at kumu-kumustahin ako.

"Sorry... Oh, sorry!" pasong-paso kong usal na hingi ng tawad dito sabay layo at bawi ng mga kamay.

"Why are you apologizing? I... like it. I love it every time I feel your skin on mine... Ngayon mo lang ako kusang unang hinawakan nang gising..."

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon