Chapter 7 (Handkerchief)

2.4K 51 1
                                    

Chapter 7

Astherielle's POV

Hindi ko alam kung ipipilig o iiiwas ko ang mukha sa taong ito. Nalalakasan na ako sa dating nito na mas tumindi pa dahil sa huling mga sinabi niya. Can he really read me? Natatakot ba ako rito o nacha-challenge lang? Hindi ko rin alam, eh... Baka... nag-iingat lang kaya ganito ako.

Sino naman kasi ang mag-aakalang susundan niya ako rito para kausapin at punahin?

At oo nga pala, pinapaiwan niya ako after class kanina dahil may pag-uusapan daw kaming mahalaga. Nawala talaga sa isip ko iyon, walang halong biro or excuse, dahil ang gusto ko na lang talaga kanina ay ang makaalis sa maliit na silid na iyon, pero overcrowded. Hindi pa rin ako sanay sa maraming tao, sa maingay na paligid at sa mga matang pakiramdam ko ay laging nakatingin sa akin kahit na ang totoo ay sa palagay ko lang naman iyon.

"P-Po?" utal na lumabas sa mga labi ko.

"Hmmm... P-Po? Too much politeness... Huh... Sir. Iyan ang itawag mo sa akin para naman hindi masyadong... nakatatanda sa pandinig."

Itinikom ko na naman ang mga labi. Hindi ako sanay na makisalamuha sa mga tao. Hindi ko iyon kinalakihan pero natuto rin akong rumespeto dahil nakatatanda sa akin ang Mama ko. Walang pagkakataon na kinausap ko ito nang walang "po" at "opo". Hindi niya ako tiniruang gumalang pero hindi rin naman tinuruang bumastos.

"Ganito lang po talaga ako, sir... Pasensiya na..."

Kumalas ako sa mga mata nito pagkasabi ko iyon. May karugtong pa sana pero dapat pa ba niyang malaman lahat iyon? Wala namang dahilan para maging detalyado ako kung bakit ako ganito, kung bakit ako introvert at kung bakit parang hindi ko pa rin maramdaman ang uri sa labas ng mundo. Only my mind and I are aware of what has happened to me in the past and what is happening to me now.

"Hindi ako sanay na nakikipag-usap sa..."

Iyong preno lang sana ay naging literal na tuldok na. Natagpuan ko na lang ang sarili na binabalikan ang mga mata nito. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano ito ka-attentive sa pakikinig at pagtitig sa akin. I took two consecutive swollows once more as a result of the discomfort. Ngayon lang kasi ako nakaranas nang ganito, iyong may interesadong nakikinig sa akin. Iyong katotohanang lalaki ito ay nakapagpadagdag ng pagkailang at discomfort sa loob ko.

Magkadikit ang mga kilay nito habang may pinaglalarong mahinahong mga ngiti sa mga labi, mahinahon na kung minsan ay parang nagiging medyo... mapaglarong ngisi? Hindi ko sure pero parang gano'n na nga.

"I m-mean... sa hindi masyadong kakilala..." palusot ko na lang kahit "sa lalaki" sana iyon.

"Oh..." ungol naman nito sabay ngiti nang saktong lawak. Nagkahiwalay ang mga kilay nito sa pagngiti nito. "Didn't I introduce myself to you earlier? Miss Zuluetevo, am I still a stranger to you?"

"Ha?" Natulala na naman ako. Pati pagpapakilala nito sa akin kanina ay ngayon ko lang naalala. Again, hindi rin naman niya maiintindihan kung bakit bigla ay naging makalilimutin ako.

"I am your Calculus Professor earlier," ulit niya na nakatulong din para matauhan ako.

"Ah... Oo nga po... E-Eh... Umupo po kayo, Prof..." Wala sa loob akong sumiksik dito sa gilid ng bench na ito at inilapat ang isang palad sa tabi ko. "Umupo po muna kayo... Pasensiya na po kung ngayon ko lang kayo naalok..."

He blinked but kept silent. His eyes, though, appear to be very engaging. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagtanggap nito sa alok ko. Kung nagulat man ako, iyon ay dahil sa pag-upo niya right after ng palad ko sa upuan, sa tabi ko. Amoy na amoy ko tuloy iyong perfume niya na naiwan sa maghapon. Ang angas ng amoy, parang nananapak ng sikmura at nostrils. Lalaking-lalaki ang halimuyak nito.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon