Chapter 3 (Unexpected)

2.8K 66 4
                                    

Chapter 3

Scheids' POV

"Talaga bang okay lang sa iyo, sir, na magdagdag pa ng isang estudyante sa klase mo? I heard that your five calculus classes are full because of the number of students transferring to your class. Aba, eh, mukhang wala pa naman akong nababalitaang reklamo mula sa iyo..." si Mr. Grospe, ang sixty-two-year-old head of Mathematics department. Matangkad at matabang Professor na kaunti na lang ay pagkakamalan mo nang si Santa Claus dahil sa makapal at maputi nitong balbas.

My first response was a soft laugh. In the three years I have been teaching here at Polaris University, for me that is nothing new. Wala pa akong klase na natipid sa students, laging sakto at madalas pa nga na sobra-sobra sa limit. Kahit ang hirap-hirap ng subject na Calculus, nakagugulat na marami pa ring namo-motivate na pumasok.

"Mukhang magre-resign na si Mr. Solven dahil wala nang may gustong mga students na pumasok sa klase niya. Eh, parehas lang naman kayo ng itinuturo..." Humalakhak ito at napailing.

Ang tinutukoy nito ay isa ring katulad kong Calculus Professor dito sa University. Halos kaedad lang niya ito. Magkaibigan ang mga itong matalik, madalas makitang magkasama saan mang parte ng University.

"Iba na talaga kapag medyo bata-bata ang Professor... Hindi na kami nagugulat sa napapansin naming nakukuha mong paghanga mula sa students at ibang staffs dito sa University. Alam mo ba kung bakit?"

Umangat ang isang sulok ng mga labi ko. Sa naglalaro pa lang na aliw sa mga mata nito, may naaamoy na naman akong paparating na pagpapasikat mula rito.

Even though he is old, he still likes to tell stories about his youth. I also learned from him that he and Professor Solven were in the same class when they were in college. Sabay silang grumaduate at halos tatlong taon lang ang pagitan nang magkasunod silang magturo dito.

Ang pinakatinatawanan ko talaga sa kanila, eh, iyong madalas nilang sabihin na nakikita nila ang sarili sa akin noong mga kabataan pa nila. Ayaw kong palakihin ang ulo pero naniniwala na rin akong anak ako ni Adonis. Yeah, malaking factor ang mukha at physical kong anyo para ituring akong nagtuturong goddess dito sa Polaris. At iyon na rin ang dahilan kung bakit ang dami-daming lumilipat na mga estudyante sa klase ko.

"Huwag mo akong ngisi-ngisihan diyan, Mr. Fawzi. Kung makikita mo lang ang mga litrato ko noong kabataan ko, malalaman mong hindi kita binobola. Kahit nang magkaasawa ako, napagkakamalan pa ring single!" proud na proud nitong sinabi sabay hagod ng tingin sa kabuuan ko kahit pa hindi naman nakalantad ang buong ako rito.

Nakaupo ako rito sa sarili kong mini-office. Twenty Calculus professors ang under sa kaniya. Nahati-hati kami, bawat silid ay apat kaming nag-o-office. Bukod dito ay may kaniya-kaniya pa kaming private na office. Ang akin ay naka-locate sa Primo Building malapit sa gate four, pinakamalayo nang parte mula sa main gate ng University. Dahil tinatamad akong maglakad papunta roon, mas madalas akong mag-office rito sa Colasia Building. Pumupunta na lang ako roon kapag gusto kong mapag-isa, matulog o mag-iwan ng mga gamit.

"Yeah... I get it po, Professor..." halakhak ko na lang na sang-ayon dito. "Nakikita ko na po ang ebidensiya kahit wala po kayong ipakita sa akin na mga pictures..."

May itsura naman talaga ito kahit pa hanggang ngayon na medyo kulubot na ito. May matangos na ilong at mga matang malalalim. Naaalala ko rin ang Daddy ko sa kaniya. I shook my head to ignore my memory of him. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang desisyon kong pag-uwi ko rito sa Pilipinas para i-pursue ang pangarap ko, ang pagtuturo.

Bilang panganay na anak, gusto niyang ako ang mag-take over ng company nito kapag nag-retired na siya. Matagal na niya akong inihahanda pero naging wais ako sa huling mga taon ko sa Turkey, lumipad ako nang walang paalam dito sa Pilipinas at ginawa kung ano ang gusto ko.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon