Chapter 1 (Decided)

4.3K 83 8
                                    

Chapter 1

Astherielle's POV

"Asthe!" malakas na tawag sa akin ni Mama.

Wala pa akong matandaan na pagkakataon na tinawag niya ako sa maayos na pananalita, kung hindi pasinghal ay pabulyaw kung tawagin ako nito.

"Opo? Nariyan na po ako, mama," sinabi ko at nagmamadali nang tumakbo papunta rito.

"Ikaw... Oo, ikaw! Mamaya, pagkatapos mong kumain at magtrabaho rito sa bahay ay pumasok ka na ng kuwarto mo, ha? Malilintikan ka sa akin kapag naabutan kita rito sa labas pagdating ko mamayang gabi!"

Nasa sala ang TV namin. Nag-iisang TV na naman iyon kaya isa talaga iyon sa ipinanghihinayang ko. Hindi ko magawang panoorin ang mga paborito kong mga panood sa favorite kong TV channel dahil everyday akong may curfew. Bawal na akong lumabas pa ng kuwarto tuwing sasapit na ang alas-otso ng gabi.

Nagtatrabaho sa isang kilalang club si Mama. Isa siyang waitress doon na pagkatagal ay nahimok ng manager nito na maging entertainer at bayarang babae. Ang duty niya ay tuwing five ng hapon hanggang twelve o'clock ng umaga. Graveyard shift ang binigay rito kaya madalas, nakainom at bangad na ito tuwing umuuwi sa gabi.

All my life, sinusunod ko talaga ang utos nito na huwag na akong lalabas ng kuwarto sa oras na sinabi niya kahit alam ko naman na hindi rin naman niya ako mapapansin ano man ang gawin ko kasi wala na siya sa isip tuwing umuuwi. Pero hindi pa rin maiwasang lumabas ako dahil wala naman akong sariling comfort room sa kuwarto. Yeah, marami na akong na-witness na malalaswang tagpo sa sala namin at sa kuwarto ni Mama. Never pa itong umuwi na walang kasamang lalaki.

Ang mga iyon ang ayaw niyang makita ng mga mata ko pero hindi lang niya alam na nakita ko na ang mga iyon bago pa niya sabihin. Pati personal at maseselan nitong aktibidad sa katawan ay ilang beses ko na ring nakita. Lumaki akong alam lahat iyon pero wala akong sinabi sa kaniya ni isa.

Kung sinu-sino nang mga lalaki ang dumaan sa buhay ni Mama kaya hindi na rin nito alam kung sino talaga ang tunay kong ama. Napagod na ako katatanong dito kung sino ba talaga ang ama ko.

Tanggap ko ang trabaho niya dahil iyon din naman ang namalayan kong bumuhay sa akin, sa amin. Kahit papaano ay nakapagho-homeschooling ako. Ang hindi ko lang matanggap, iyong uri ng trabaho niya, iyong kailangan niyang gawin para lang mabuhay kaming dalawa.

I can't think of any other way for us to get out of this kind of life. Mahirap nang baguhin pa ito kasi hinahanap-hanap na ng katawan ni Mama ang trabaho niya sa club.

"Sige po, mama... Mag-iingat po kayo sa pagpasok... Sana huwag na po kayong uuwing lasing... Natatakot po ako sa maaaring mangyari sa inyo sa labas... Kung kay Auntie Lucia na lang po kaya kayo magpasama pauwi?"

Ang katrabaho nitong entertainer din sa club ang tinutukoy ko. Ilang beses ko na ring na-meet at nakausap ito dahil sa mga pagkakataong alanganin ang mundo, sinasama ako ni Mama sa club. Tinatago niya ako sa isang sulok para hindi ako makita ng manager niya at para na rin hindi ko makita ang nangyayari sa loob ng club. Pero makulit ako, pasimple akong sumisilip kaya nakita ko rin kung ano ang klaseng mundo ang ginagalawan ni Mama. Makulay, mausok, madilim, amoy alak, mapusok at maingay ang mundong iyon. Iyong mga iyon, hindi tamang masaksihan ng inosente kong pagkatao.

"Huwag mo akong inuutusan, Asthe... Alam mong ayaw na ayaw ko iyong ganiyan na pinangungunahan ako. Wala ka nang pakialam kahit kanino pa ako magpasama, ha? Problema ko na iyon at hindi iyo!"

"Nag-aalala lang po ako sa inyo, mama... Kung puwede nga lang na ako na lang ang sumundo sa inyo, eh..."

"Hay naku, Asthe! Napakakulit mo! Ang mga sinasabi ko ang gawin mo at hindi iyang mga gusto mo! Dito ka lang! At mag-aral ka sa loob ng kuwarto mo! Iyong mga pinto at bintana rito, huwag na huwag mong pinagbubukas, ha? Sige na at aalis na ako. Male-late na ako sa trabaho nito, eh!"

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon