Chapter 49 (Come Back)

1K 37 1
                                    

Chapter 49

Astherielle's POV

Ipinarada ko ang sasakyan sa paanan ng side ng cliff. Lumabas. My eyes dwindled in size as they gazed upon the towering cliff, stretching into the heavens with its majestic height. Ang tila natapyas na parteng harapan ng cliff ay katabi na ng malawak na karagatan, nakadungaw roon.

August has graced us with its presence, a gentle reminder that summer's reign draws near its end. The sun, once ablaze with fiery brilliance, now descends with a softer glow, casting a golden hue upon the world below. The air carries a whisper of change, as a cool breeze brushes against my skin. Ang lamig sa ilong ang pinaghalong amoy ng dagat, hanging malamig, mga damo, lupa at ilang ligaw na mga bulaklak.

Ang kalikasan at tiyempo nga nagbabago, mga tao pa kaya...

Nakangiti kong sumunod na inilibot ang mga mata sa mga bulaklak sa pinakamaraming variety rito, kulay-violet ang mga ito na pahaba. Ang sabi ni Maica, Alascan Lupine raw ang tawag sa mga ito. I reached out and gently grasped the delicate end of this flower that lay beside me. Huminga ako nang malalim bago binitiwan ito at humarap sa sasakyan.

Isinara ko ang pinto ng sasakyan at pagkatapos, inumpisahang akyatin ang cliff. Hanggang sa madamong dulo lang ako, bago ang purong mabatong parte ng tuktok ng cliff. Naupo ako sa isang malaking bato. Sumasayad pa ang mga sapatos sa lupa. As I cast my gaze ahead, a majestic panorama unfolds before me. The vastness of the ocean stretches endlessly, its waves crashing against the steadfast cliffside. Sa katabi nitong side ay ang buong view ng village.

Napangiti ako. Hindi ko na rin malaman kung ano'ng klase itong ngiti. The tears, unnoticed until now, suddenly blur my vision. The symphony of crashing waves and whispering wind becomes infused with mystery and rebellion. Tila nararamdaman din nila ang pinagdadaanan ko.

Ilang beses na akong umiyak sa lugar na ito nang mag-isa pero hindi ko akalaing hanggang ngayon ay maiiyak pa rin ako sa mga nangyari.

Naglakbay pababa ang mga luha ko sa aking mga pisngi habang aking tinititigan ang malayong karagatan. Once again, waves of reminiscence wash over me, carrying me back to a time long gone.

Yet, here I am once again, finding myself in this place for the first time after Sheids' wedding. Lost in a haze of emotions, I stumble upon unfamiliar surroundings, unsure of how I ended up here.

Nagpakasal na si Sheids...

May sarili na rin siyang pamilyang bubuuin...

Pasinghap kong muling pinakawalan ang mga iyak.

Iyon naman ang gusto ko, eh. Ang maghiwalay na kaming tuluyan. Ang gawin namin ang tama sa mga buhay namin.

Hindi ko na siya hinabol kahit gustung-gusto ng puso ko na mabawi siya...

Nasa school ako nang ikasal siya, nagpapakalunod at nagpapakamanhid sa pag-aaral. Kahit gusto akong isama ni Cloud at ng buong pamilya niya, hindi ako pumunta.

Yes, it doesn't bother me that he is marrying someone else, but that doesn't mean I am ready to witness him marrying someone else... Kasi tanggap ko na iyong sakit na mararamdaman ko pa rin nang araw na iyon...

Buong-buo ko na siyang pinakawalan, hinayaan siya kung anuman ang gusto niyang gawin sa buhay masaktan man ako ng mga 'yon pabalik o hindi...

I was deeply hurt that day, consumed by an overwhelming pain.

Every night, tears streamed down my face in the aftermath of his wedding. Wherever I looked, news of their union surrounded me, a constant reminder that pierced my heart. It seemed that everywhere I turned, their wedding was the subject of conversations and whispers that echoed relentlessly in my ears. Tiniis ko bawat litrato nilang mag-asawa na lumalabas sa mga news, newspapers, magazines, tabloids, billboard at kung saan-saan pa.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon