Chapter 39 (Dance)

891 32 0
                                    

Chapter 39

Sheids' POV

"Oh," exhausted kong ungol, muntik ko nang mapalo ang table kung hindi lang ako napaalalahanan na nasa loob ako ng klase.

Umalis na si Elle, hindi na lumingon pa kahit kailangan. I also don't know where she is going now. Most likely, she won't be hanging out at my condo.

Nagsisisi akong sinabi ko kanina sa loob ng klase na makaaalis na iyong mga tapos na sa exam. Akala ko matatagalan siya sa pagsagot.

I wasn't really planning to attend the Part Three Ball. It just so happened that my mom called and asked me to be their representative because she and Dad couldn't attend. Yeah, simula nang magtrabaho ako rito sa Polaris, nag-o-offer na sila ng mga scholarships sa mga matatalinong students na hindi kayang paaralin ng mga magulang nila. At nagkataon lang din na philanthropist din si Sadie rito. Dito siya nagtapos ng college at dati ring scholar ng University kahit pa mayaman ang pamilya nila. She is just giving back.

Close ang mommy kay Sadie kaya naman nang sabihin niyang magkita kami ni Sadie at ayain ko siyang kasama sa ball, ginawa ko. May mga pasalubong daw siya sa akin at kay Sadie niya ipinakisuyo para makarating sa 'kin. Yeah, nagpunta rin si Sadie sa Turkey at mukhang sinadya talaga niyang bisitahin na rin sina mommy.

In my free time, I looked for Elle, but I couldn't really find her on campus. I went to the condo and even to her favorite eateries around the University, but she was still nowhere to be found. Tinawagan ko rin siya, ilang beses, pero nakapatay yata ang cellphone, cannot be reached, eh. Si Regan na tuloy ang kahuli-huliang alam kong pinuntahan niya ngayon.

I cursed in my mind. Alam kong engineering student ito. Alam ko rin kung saang room ang ilan sa mga klase niya. Pinuntahan ko siya dahil wala nang choice. Iyong mga bakante ko naman ay minalas na naitaon sa mga klase ni Elle kaya hindi ko ito mapuntahan.

I didn't want to accumulate more tardiness in my classes, so I resisted the temptation to be late again in order to go and see her. Simula nang magkamabutihan kami ni Elle, madalas na akong nale-late sa pagpasok. Inuuna ko kasing mapasok siya bago ang klase. Uwu!

Madalang lang kaming magkadatnan sa condo kaya kailangan umi-score para may pampagana sa pagta-trabaho.

"Hmmm... Magkasama kami kanina, sir, pero nagkahiwalay rin kasi pupuntahan daw niya ang tita niya," si Regan na parang hindi na alam ang ire-react sa pagkakatitig nito sa mukha ko.

Nabigla siya at ng mga kaklase niya nang bigla akong dumating habang nagkaklase sila para mai-excuse at makausap ko siya. Nandito kami sa labas ng classroom nila ngayon.

"Sa tita niya?"

"Opo."

"Alam mo ba kung saan?"

Umiling siya. "Nakilala ko na ang Tita Mavic n'ya pero hindi ko alam kung saan ito nagwo-work. Ang alam ko lang, dito sa Quezon City lang din."

Mavic...

I felt a slight uneasiness upon hearing that name. It's nothing, just that it happens to be the same name as one of the people I despise the most in this world. Kapangalan ng kapatid ng nakasagasa at nakapatay kay Drianna.

Well, noong kasagsagan ng kasuhan sa pagkamatay ni Drianna, isa lang naman ito sa nagtangkang suhulan ang judge na humahawak sa kaso para mapababa ang sintensiya ng kapatid niya. It's as if not just one, but two lives were taken away from me and Drianna's family for her to do that! Doesn't she have a heart?!

Sa unang pagkakataon, humingi ako ng tulong kay Dad. Kahit na ayaw niya kay Drianna dahil nga ito ang dahilan kaya umalis ako ng Turkey, tinulungan pa rin naman n'ya ako. He saved me when I almost ended up in jail for hitting the person who killed Drianna.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon