Chapter 17
Sheids' POV
"Tinatakot mo po ba ako, sir? O hindi kaya nilalandi?" bawi nito matapos manlaki ang mga mata at mapatameme ito kanina.
Nagka-instant blush on ito sa mga pisngi, pero hindi ko na pinuna pa; baka maging siling labuyo sa pula lalo, eh. I still have an effect on girls who seem to have no interest in me.
"Nilalandi?"
Aliw na aliw ako sa reaksiyon at sa tono ng pagkakasabi niya niyon, pero sa akin na lang iyon.
"Mukha ba akong nananakot habang isinasabay ang pakikipaglandi, Miss Zuluetevo? I told you what to expect from me in the friendship you're trying and erroring now... I don't need to lure you or scare you. I'm really that friendly person. Ngayon, kung kaya mong tumanggap ng gano'ng klaseng kaibigan, ngayon pa lang ay tinatanggap na kitang kaibigan," ngiting may halong paglilinaw ko rito, without being buried in oblivion the softness and tenderness I felt on her cheek I kissed.
Hindi lang pagkakataon ang may gusto ng nangyayari, eh... Pati ako naa-addict at nagugulat na rin sa company ng babaeng ito. Wala pa akong ginawang effort nito, ah, pero napunta ako ngayon dito.
Hahamon-hamon ng friendship, eh di, pagbigyan. Tingnan ko lang kung nagsasabi talaga siya nang totoo nang sabihin niyang gusto niya akong maging kaibigan. Weird dahil sa totoong negotiation between me and women who are offering me friendship, friends with benefits ang pinakamalalim na ibig sabihin no'n, fire over fire. Malanding ugnayan, pure lust and enjoyment without string attachment.
Iyon nga sana ang gusto kong ipaintindi pa rito, eh, pero nahiya naman ako sa obvious na meaning ng friendship na tinutukoy nito. As in gusto niya talaga akong maging magiting na kaibigan sa kaniya, iyong friendship na para lang sa mga bata and I'm not a kid anymore! Ayaw ko no'n! I want more than that.
"Ayaw n'yo po bang makipagkaibigan sa mga students ninyo? At talagang date ang tawag na ninyo sa alok ko?"
Bigla-bigla aalukin niya ako ng date at friendship ng ganitong oras! Yeah, hindi na ako magpapakaimpokrito pa. Date talaga ang gusto kong itawag sa alok niya. At sa ayaw, gusto o nawiwirduhan niyang pagpayag, kailangan niyang tanggaping iyon ang tawag do'n. Hindi ako kontento sa mga sinabi at paliwanag niya, eh. May gusto pa akong marinig mula rito. Iyong totoong rason lang. Kung hanggang kailan niya balak maglihim, hanggang doon din ako makikipaglaro sa kaniya.
"Baka nakalilimutan ninyo kung... ano kita, s-sir?" medyo pabulol nitong sambit.
"Puwede bang hindi? Ikaw ay student ko lang naman... Student ko na inaya ako ng date sa dulo ng walang hanggan ng Taguig City... Student na inaya ang professor niya na mag-joyride at lumapa sa malayong lugar," pananambla ko naman dito.
Nasa akin lahat ng karapatan dahil ako itong inaya ng date.
"Hindi ko alam na parang may problema tayo riyan, sir, eh, kakain lang naman tayo..." baba nito ng boses. Naninitig pa rin habang nalilito. "Feeling ko... wala namang masama sa alok ko sa inyo... At... hindi ninyo ako kailangang halikan para lang maipahiwatig ninyo na ayaw ninyo sa alok ko o kung ano pang gusto ninyong palabasin... Puwede naman ninyong sabihin without actually doing it..."
Dahan-dahan nang bumabalik sa dati ang kulay ng mukha niya.
"Bakit ba? Gusto ko ngang i-demo."
I swallowed and took a side view. I don't even know why I'm like this when it comes to this girl. I'm a professional myself but I seem to forget that every time we're together. Lalaking buo at totoo ako pero the feeling of being with her is like playing a barbie doll and enjoying it!
"Pinaglalaruan po ba ninyo... ako, sir?"
"Excuse me lang, Miss Zuluetevo, pero nasosobrahan mo naman na yata..."
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...