Chapter 18 (Attack)

1.9K 46 2
                                    

Chapter 18

Astherielle's POV

Ang hirap namang iligaw ng lalaking 'to! Ang boba ko naman kasi! Sa daming topic na puwede kong pulutin, iyon pa ang naisip ko. Talo at patay tuloy ako nito.

"Hmmm... Sayang naman panahon, Miss Zuluetevo... Mutual feelings don't need further explanation..."

Kinakabahan, naiiyak at naduduyan iyong pakiramdam ko. Oo, halu-halo na pero sa pagkakataong ito, nangingibabaw iyong pagkamangha at pagkabahala ko sa sinabi ng professor na 'to.

Down na down ako ngayon. Natatanaw ko pa lang iyong maliit na view ko sa bar kanina, libu-libong alaala at mga nagpapahirap na kuryente ang dumaan sa mga ugat ko. Malaya ko pang napakawalan ang mga luha ko kaninang naka-helmet ako, pero nang matanggal ito at malantad ang mukha ko, pinilit kong magmukhang normal. At ang sakit-sakit at ang hirap-hirap gawin niyon sa harapan ng lalaking ito.

Napaka-transparent niya at tila laging nagpapadalus-dalos sa mga actions at mga sinasabi. Pero kahit na gano'n, naroon pa rin iyong respeto at hiya ko sa kaniya. Professor ko pa rin siya... Lagi ko namang pinapaalala sa sarili 'yan.

Ikinahihiya ko pa rin ang nakaraan ko. Hindi ko iyon masabi sa kaniya o sa kahit na kanino. I feel like I'll just take off my new clothes if I try to tell the story of who I used to be to other people. Ito iyong bagong ako na pinaghirapan ko at ni tita na igayak.

Matagal na akong naka-recovered. Hindi na ako magiging iyon. Hindi na ako babalik doon kaya hindi na importanteng malaman pa ng iba.

"Thank you so much, sir... Basta thank you sa pagsama ninyo sa akin dito..."

Hindi pa ako naka-ge-get over sa sinabi niya, nasa pinakamalinaw ko pa rin iyon na pagkakatanda, pero kailangan ko muna siyang pasalamatan bago ko intindihin iyon.

"Now you become more mysterious," sambit nito habang pinagmamasdan at pinanliliitan ako ng mga mata.

Tila napapaso naman ang mata ko sa titig nito, hindi mapirmi sa iisang puwesto, tila gusto na lang bumunghalit sa pagsuko.

"Hindi ko nga rin ho sana gustong magmukhang ganito para hindi na kayo magtaka... Wala naman akong magawa sa nakikita ninyo sa akin... Pero totoong okay lang ho ako..."

Yumuko ako at ngumiti. Nang dumating ang waiter at ilapag ang orders namin sa table ay ang pag-angat muli ng mukha ko.

"Thank you po, kuya... Pahingi na lang po ng tubig... Gawin mo na lang pong dalawa..."

"Hindi tubig ang hinihintay ko, Miss Zuluetevo."

Umakyat ang isang kilay ko sa tila umaapelang himig sa tinig nito. Malawak na ngiti ang isinukli ko kay kuya waiter nang ibagsak nito ang tingin sa akin, tila nagtatanong ang mga mata kung ano na ang susundin.

"Sige ho, kuya... Isa na lang... Baka may iba siyang trip na mga drinks. Tatawag na lang ho kami sa inyo ulit..."

"Sige po, ma'am... Pakihintay na lang po iyong tubig ninyo..."

"Okay ho. Salamat. Pasensiya na ho kayo rito-" Inudlot ko ang sinasabi dahil sa pagtikhim ni sir at dahil sa pagtitig nito sa akin nang masinsinan.

Ano na naman kaya ang problema nito?

Nginitian ko na lang si manong bago ito lumakad paalis.

"Nagso-sorry ka sa lalaking iyon dahil sa akin? Ano ba ang ginawa kong mali para todohan mo siya ng ngiti at hingan ako ng pasensiya sa pangalan ko?"

"Parang nagsusungit kasi kayo... Baka akalain niya na sa kaniya kayo nag-a-attitude..."

"Huh? Ako nag-a-attitude?"

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon