Chapter 6 (Eyes)

2.5K 59 1
                                    

Chapter 6

Scheids' POV

Fifteen minutes ago...

"Professor Fawzi!" tawag sa akin ng isang co-teacher ko pagkarating ko sa main building namin.

Sa unang akala ko ay si Tara na ito. Mabuti na lang at hindi dahil wala ako sa mood para lumabas o kung ano pa mang maisipan na naman niyang ialok sa akin sa ganitong oras. Masyado akong napapaisip sa bagong pasok na student ko kanina. I told her to stay after class because we had something to talk about. But I had just finished dismissing my class when she left. She didn't even look at me to say goodbye. I am not demanding anything pero hinintay ko talagang gawin niya iyon since bago lang siya sa klase ko and as pasabi na lang sana. I am still her Professor... A small gesture of respect will suffice.

Hindi ba at ganoon naman talaga dapat? Or hindi lang talaga ako sanay na may babaeng student ako na hindi ako binigyan ng atensiyon na katulad ng binibigay ng halos babaeng students ko? Halos ayaw nang umuwi ng mga ito pero siya, atat na atat yatang makauwi na.

Isa pa, hindi naman putcho-putcho lang iyong pag-uusapan namin. Para din naman sa kaniya iyon, para makasunod siya sa mga lessons. For me, the Calculus subject is very simple, but the opposite is true for my students. Ako lang ang malinaw na naiintindihan nila pero hindi iyong mga itinuturo ko. Very clear iyon lalo tuwing nagpapa-short quiz ako. Marami pa rin talagang bumabagsak.

Malapit na ulit akong magpa-long quiz. Gusto kong may makuha siya. Gusto kong pumasa siya. Hindi naman sa pagmamalaki or pagmamalupit pero nambabagsak din talaga ako ng mga students na walang effort aralin ang subject na itinuturo ko.

Hindi ko na kinuha ang atensiyon nito kanina dahil ayaw kong makaabala sa pagmamadali niya. Siya ang may kailangan sa akin at hindi ako. Kung iyon nga... why am I feeling so irritated?

Dahil busy ako sa pagtuturo kanina, hindi ko siya masyadong napagmasdan nang maayos. Napapabaling ako paminsan-minsan dito pero dahil kinarir niya ang pagyuko ng ulo at pagsusulat ng mga kung anu-ano sa notebook, wala rin akong napala. She didn't seem to be listening as intently as I had hoped. Baka gano'n talaga kapag nasanay sa homeschooling... Parang may sariling mundo...

Habang nasa daan ako ay iyon na nga ang hindi maiwaksi-waksi sa isip ko. Normal naman sa akin na maging concern sa student ko pero hindi normal itong hanggang pag-uwi at paglalakad ay naiisip ko ito.

So far, she's the only girl I've seen with the simplest clothes and appearance here on campus. Nowadays that's where I'm drawn to. In things I'm not used to seeing...

Usung-uso iyong term na "OOTD" or "outfit of the day" sa panahon ngayon. Walang uniforms ang mga students dito sa Polaris bukod sa uniform nila sa course nila kaya naman everyday ay talagang parang fashion and rampa day. May kaniya-kaniyang style kung papaano igagayak at dadalhin ang sarili ang bawat isa.

Iba nga lang sa mga classes ko; puro mga kikay ang mga girls kaya talagang may mga nae-expose na sa mga katago-tago ng mga ito na hindi na dapat makita. I'm used to seeing boobs, cleavages, thighs, and other body parts with spg trigger warnings on a daily basis. I genuinely mean it when I point that I have no interest in a student, regardless of how attractive and seductive she may be.

Kung may nanghatak man sa akin na isa pang dahilan para mapansin ko ito bukod sa over-sized nitong t-shirt, maong na suot at simpleng ayos niya, siguro... dahil kamukha niya iyong Hollywood actress na idol na idol ni Mommy. Kamukha niya si Brooke Sheilds way back nineteen-eighties. Alam ko dahil iyong mga lumang posters, pictures, magazines and CDs ng mga movies and series nito ay buhay na buhay pa sa bahay namin sa Turkey. Naka-display pa rin ang mga iyon sa collection room ni Mom.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon