Chapter 13 (Coffee)

2.1K 48 15
                                    

Chapter 13

Astherielle's POV

Wala akong maisip na paraan para pasalamatan ito sa paghatid niya sa akin. Ilang kilometro at oras din ang tinakbo ng sasakyan nito mula Quezon City hanggang dito sa Rizal. Medyo tagong parte pa ang bahay at lupa ni Tita rito kaya ano lang naman iyong paunlakan ko ito sa paraang gusto niya?

"Baka hindi na po kayo makatulog mamaya niyan, sir... Kung magkakape nga talaga ho kayo..." sinabi ko habang naglalakad papasok ng tarangkahan namin.

Ang napundar ni Tita mula sa limang taon na pagtatrabaho sa dati nitong kumpanya ay isang mala-dollhouse na bahay. From what I described it, no one will ever deny kung gaano ito kapansin-pansin. Kilalang-kilala ito sa barangay at sa buong Rizal. Hindi ko pa natatanong si tita kung bakit ganito ang napili niyang style ng bahay niya. Ang napansin ko lang dito, mula nang araw na tumira ako sa kaniya, ay ang pagiging girly niya or kikay. Parang hanggang ngayon nabubuhay pa rin siya during her teen days.

"Hindi ako natutulog nang maaga kaya sakto lang ang kapeng nire-request ko sa 'yo... Hmmm... Yeah, that's it..."

"Ah... Kaya po pala..."

Nang buksan ko ang munting gate namin at humarap para padaanin ito ay ang hindi inaasahang pagtigil naman nito sa harapan ko. Nagkatapat hindi lang ang mga katawan namin kundi mga mukha. Natural na mukha nito ang agad kong inapuhap kahit na alam kong nakasunod lang ito sa akin. Nasasanay na akong laging chine-check ito.

"Looking for me even if you knew I am here. Yeah, I'm just here..."

Namula ako. Hindi naman kasi ito mawawala pero hanap nang hanap pa rin ako rito. Ewan ko ba sa sarili ko na tila nasasanay nang hinahanap ang mga mata nito.

"I-I am welcoming you, sir... Kung maaari ayaw kong mas laging nauuna since nasa teritoryo kita... Ummm... Pasok po kayo..."

"Saan?" ngiting magiliw naman nito na tumawa pa pagtagal.

"Ah. E-Eh..."

Napahiya kong iniawang pa ang mini-gate at umatras nang magkaroon ito ng sapat na space para makapasok. Malaki nga palang tao ito kaya hindi sapat ang saktong space. Nakalimutan ko pang nakaharang pa rin ako kaya deserve na deserve ko iyong hiya at ngising nakapaskil pa rin sa mukha niya.

"I thought sa iyo na ako papasok at hindi sa bakuran ninyo... You're in the way," sinabi nito nang dumaan ito at lagpasan ako.

I shook my head at permanenteng itinagilid ang mukha paiwas nang may maramdamang hindi pamilyar na hilo sa pagkaamoy ko rito. Gamit pa rin niya iyong amoy na suot niya noong isang gabi. May dalang malakas na suntok iyon hindi lang sa dalawang butas ng ilong ko kundi pati sa sikmura at mga kalamnan ko. Gayon pa man, hindi ako nagpahalata rito.

"Mamaya ay darating na rin ang tita ko. Siguro... on the way na rin siya ngayon," pagtatakip ko sa nararamdam, nang hindi ito tinitingnan. "Sana magkaabutan pa kayo nang maipakilala ko kayo sa isa't isa..."

"Siya lang ang kasama mo rito?"

"Opo."

"Oh... Sa Metro Manila rin siya nagwo-work?

"Yeah. Kaya normal lang na late na kami nakauuwi rito."

"Ang layo, ah."

"Sanayan lang po."

Lumakad na ako patungo sa bahay. Pinanghahawakan ko iyong thought na pauwi na si Tita. Siya ang sinasadya kong isipin para makawala sa emosyong lumilitaw-litaw pa rin sa loob ko.

"Ayaw mong mag-boarding house? Para hindi hassle. Nakatatakot sa daan. Imbis na nagpapahinga ka na after class hindi kasi ang layo pa ng uuwian mo," biglang aniya.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon