Chapter 15
Sheids' POV
Mula nang pumayag at mag-promised ako kay ma'am Mira ng mga lists ng mga bright students under akin, hindi na rin ito tumigil sa kate-text at kulit sa akin. As if naman kalilimutan ko iyong dati ko nang ginagawa pa. So, para hindi na ito mangulit everyday sa inbox at email, minadali kong i-compute iyong unang batch ng list.
I never thought that Miss Zuluetevo would be included in the list. I'm telling the truth when I say I just computed and submitted the result I gathered. Pero parang sa pagmumukha ngayon nito ay parang pinagbibintangan niya ako. Ang daming co-teachers at staffs ngayon dito sa office ng department nila pero sa ilalim ng mga mata ako, ito ang pinanonood ko, iyong mukha niya parang unti-unti nang nagkaka-idea sa tila meeting na ito.
Okay, natutuwa at naaaliw ako kahit papaano. This is the only time I have seen her face to face ever since my class with them started earlier. Naninibago lang ako na never itong tumingin sa akin kanina. Kahit accidentally na sulyap, wala. Na para bang wala akong kagandahang-loob na ginawa rito kagabi.
Nakalimot na yata. Pero in returned, kahit papaano nakapag-concentrate ako sa pagtuturo kanina.
"Hay, naku, sir, alam mong competitive ang department namin pagdating sa ganiyan. Kung skins talaga ang hanap mo, ang dami naming mga fairy-God mothers and fathers dito para lagpasan pa ang standard ng beauty ni Cinderella noong araw... Naku! Maghintay-hintay lang talaga kayo," si Ma'am Mira na nilapitan si Miss Zuluetevo. Medyo sumingkit ang isang mata ko nang umpisahan nitong sukla-suklayin ang buhok nito gamit ang mga daliri.
In fairness, wala namang sabit ang buhok niya. Mukha lang napabayaan talaga dahil basta na lang yata nilulugay nito.
Kapag sinabi nila, gagawin nila. Kasalanan na namang naiisip ko na kung ano ang magiging outcome ng student na ito sa araw na iyon.
Like- Sinaway ko ang sarili sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko.
Isa pa lang siya sa pagpipilian! The search is not yet over, Sheids! Damn you for thinking her wearing a dazzlingly and sexy swimwear!
Kung hindi lang talaga ako magmumukhang gago rito, eh, tatawanan at iiiling ko ang sarili.
Magaling akong manamit ng trip kong damitan sa isip ko. Well, set a siding it, talagang part ang swimwear competition sa mga pageants dito. Marami na akong na-judge na mga babaeng nagsuot ng mga gano'n. At tinuruan ako ng mga kapatid kong babae kung ano ang dapat tingnan para masabing magaling magdala ng swimwear. Lalaki ako kaya siyempre dinagdagan ko iyong criterias. Hindi puwedeng hindi ako titingin sa pinaka-spot na gusto ng mga mata ko, hindi bale at natatakpan pa rin naman iyon.
"Alam ni sir kung anong klase tayong kalaban... Kahit ano ang try naman ng department nila, hanggang top fifteen lang talaga ang kaya ng power. Hindi ba, sir?" kantiyaw ni sir Arnold. Ako ang kausap niya pero kay Elle ito nakatingin at nakangiti.
Sa lawak ng ngiti nito, pati ito ay nakatingin na rin sa kaniya. Tumikhim ako para maagaw ang atensiyon ng mga ito pero bigo ako. Magiliw na tumatawa na ito ngayon rito. Mga ganitong tipo pala ang makaaagaw ng pansin ng babaeng ito. Tipong mukhang aso na sa pagpapa-cute.
"Ano po ba ang nangyayari, mga ma'am at sirs? Nagkaka-idea na po ako pero iba pa rin kung maipapaliwanag na ninyo sa akin kung ano ang pakay ninyo sa akin... Hmmm... Mayamaya lang po ay nariyan na po ang tita ko para sunduin ako..."
Inilibot niya ang paningin pero nang madako sa akin, nagbaba ito nang bahagya ng mukha.
"Huwag kang masyadong mag-alala, Miss... Parating na kasi ang week ng department natin... Isa ka sa mga qualified na pasasalihin namin sa pageant na gaganapin sa department natin next month..."
BINABASA MO ANG
My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)
RomanceStarted: Nov. 15, 2022 Ended: June 25, 2023 Lumaki si Astherielle Zuluetevo kasama ang ina nitong s*x addict at nagtatrabaho sa club bilang isang bayarang babae. Naging bunga iyon para ma-developed s*xual disorder nito na para lang sa mga babae, ang...