Chapter 44 (Caught)

963 32 4
                                    

Chapter 44

Sheids' POV

"The most hated member of the pack has arrived! Fergus Caicos Luccian Agradezco!" proclaimed Morpheus loudly as our friend arrived sabay tingin sa akin at tawa nang magiliw.

Pasimple namang natawa iyong dalawa, Rostro, and Navigo. Fergus is a pilot and a businessman. Navigo is a doctor and into business too. Rostro is also a doctor but specifically a surgeon and businessman. Morpheus? He's a zillionaire, a lawyer, and can do anything. Lahat sila, may sari-sariling profession na natapos pero kaya pang isabay ang pagbi-business.

Ako lang ang naiiba. But now I am trying. Wala na akong choice nang umuwi ako sa Turkey after kong makalaya mula sa loob ng kulungan.

Inirapan ko si Morpheus at hindi na lang pinansin ang pang-iinis niya. I adjusted my seating as if I hadn't heard or seen anyone arrive. Ako lang naman ang may ayaw na makita siya pero dinamay nila ang mga sarili nila para gawing katuwaan.

I am the most annoying among the five of us, but little did I know that I'm also the most sensitive. Napipikon ako sa loob-loob ko tuwing ginagawa kaming pulutang dalawa ni Fergus ng mga ito.

Tumigil si Fergus sa bungad ng pintuan nang makita ako. "Hey!" buhay ngunit medyo alanganin niyang bati sa amin.

Sa akin siya nakatingin kaya itinaas ko na lang ang mga kilay ko para i-acknowledge ang pagdating niya. He smiled and walked closer.

He entered the room exuding confidence, clad in a perfectly tailored charcoal gray suit. The crisp white shirt and tasteful silver tie clip added refinement to his ensemble. His polished black leather shoes accentuated his purposeful stride. A sleek silver wristwatch adorned his wrist. Napakaguwapong nilalang, katulad ng kapatid niyang si Cloud, ang asawa ni Astherielle.

I think I'm handsome, or so I tell myself, but whenever I'm with these five friends of mine, I can't help but find myself gravitating toward the mirror to reflect on my looks. Lahat naman kami may itsura pero may mga levels din ba.

And yeah, kapatid ni Fergus ang napangasawa ni Elle. That's why I avoid seeing Fergus because he reminds me of that.

Kapatid niya ito sa ina, mas bata sa kaniya ng dalawang taon. Fergus is the same age as me. Hindi namin naging malapit na kaibigan si Cloud dahil lumaki ito sa lola niya sa Washington. Pero name-meet naman namin siya noon kapag umuuwi kila Fergus. Their Mom is with Fergus' father, married and living together.

"Akala ko hindi ka na matutuloy, brother!" aniya nang makalapit sa akin. Tuwang-tuwa dahil ngayon lang ulit ako nakasama sa kanila rito sa US. Niyakap niya ako at tinapik sa balikat. I did the same.

"Yeah... Inihatid ko lang sila Mommy and Daddy. I'll be going home too... maybe tomorrow or the day after."

"Oh, I see... Hindi ka na makakasama sa amin ngayon. Pero a-attend ang Mommy at ang Dadddy mo sa awarding..."

"They are going. They had received an invitation to come. It's about socializing also so they forgot everything so they could attend."

"P-Pero nagkita-kita kami sa isang event kahapon. Ang sabi ng Mommy mo kasama mo raw silang pupunta."

"She's hope. Always hopeful. Hindi na kayo nasanay sa kaniya. Lagi naman niya akong pinipilit na sumama sa mga gano'n."

"Pero nasa business empire ka na rin, Noah. At dalawang taon ka na ring tagapagmana at sinasanay ng Daddy mo," sabat naman ni Rostro. "Don't tell me babalik ka pa rin sa pagtuturo sa Philippines? Sasakit na naman ang ulo ng Daddy mo panigurado..."

"Hindi na 'ko babalik sa pagtuturo."

"But you love it."

"Akala ko rin, pero hindi."

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon